Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jennylyn to bare ‘shocking’ revelations on breakup with Dennis


Hindi na raw paaabutin ni Jennylyn Mercado ang buwan ng Mayo at isisiwalat na niya ang dahilan ng hiwalayan nila ni Dennis Trillo, na maaaring ikagulat daw ng ibang tao. Ito ang inihayag ni entertainment reporter Nelson Canlas sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes, batay sa naging panayam niya kay Jennylyn. Kasalukuyang nagbabakasyon sa Boracay si Jen kasama ang kanyang anak na si AJ, at ilan pang miyembro ng pamilya. Naapektuhan nga ba ng breakup nila ni Dennis ang plano niyang bakasyon this summer? “Dapat sa ibang lugar to eh," pagtatapat ng aktres, “saka hindi dapat sila ang kasama ko. Pero pinare-book ko inisip ko na lang kasama ko family ko kaysa masayang ang booking."
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sinabi ni Jennylyn na hindi pa ngayon ang tamang oras para pag-usapan ang naganap na hiwalayan nila ng Kapuso lead actor na si Dennis. “Meron siyang time to talk about it, but for now gusto ko munang mag-enjoy. Sisiguraduhin ko ‘pag sinabi ko ‘yon sasabihin ko naman lahat," deklara niya. “Darating yung time na ‘yon pero hindi pa ngayon." Ilang linggo matapos mapabalita ang hiwalayan, tila hindi na umano bakas sa mukha ni Jen ang lungkot. Nakatuon na rin daw ang atensiyon ng aktres sa kanyang anak na si AJ. Sa ngayon, full-time mom daw muna si Jen at hindi na muna hahanap ng bagong pag-ibig. “Hindi naman ganung kadali ‘yon. Pero siyempre mas isipin ko na lang ‘yong mga nagmamahal sa’ken, saka mas may respeto sa’ken. ‘Di ba mas masarap yun ganun," paliwanag niya. Idinagdag ni Canlas na ibinulong sa kanya ni Jen na hindi na niya paaabutin ang Mayo at sasabihin na niya ang dahilan ng breakup nila ni Dennis. Maaaring may mga tao umanong maapektuhan at ma-shock sa kanyang mga isisiwalat. – FRJimenez, GMA News