Filtered By: Topstories
News

P133M Grand Lotto jackpot, walang nanalo


MANILA – Wala pa ring nanalo sa mahigit P133 milyong jackpot price para sa Grand Lotto 6/55 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Miyerkules. Sa draw na isinagawa nitong Miyerkules ng gabi, ang winning combination sa Grand Lotto ay 45-35-20-05-16-26. Ang premyo ay umabot sa P133,114, 768.80. Wala ring nakakuha sa kombinasyon na 37-42-12-08-23-21 para naman sa Mega Lotto 6/45 draw na may premyong P6,490,296.00 Inihayag ng PCSO na walang lotto draw sa Huwebes, Biyernes, Sabado at Linggo. Magbabalik ang lottery sa Lunes, April 25, kung saan nakatakdang bolahin ang Mega Lotto at Grand Lotto. - FRJ, GMA News
Tags: lotto, grandlotto