Filtered By: Showbiz
Showbiz

American Idol update: Charm did not save Stefano Langone


Hindi umubra sa mga manonood ang karisma ni Stefano Langone matapos siyang makakuha ng pinakamababang boto sa sikat na singing contest sa US, ang American Idol. Sa nakaraang episode, mistulang nag-concert si Stefano sa kanyang pagtatanghal na sinamahan din niya ng pagsayaw sa pag-awit ng "Closer" ng Ne-Yo. Nagustuhan naman ng mga Idol judge na sina Randy Jackson, Steven Taylor at Jennifer Lopez ang ginawa ni Stefano, ngunit hindi sa mga manonood. Nakasama ni Stefano sa bottom three sina Haley Reinhart, na umawit ng "Rolling in the Deep," at ang tinawag ng “diva" ng mga Idol finalist na si Jacob Lusk, na emosyunal na kinanta ang "Dance With My Father." Bukod kina Haley at Jacob, ang natitirang Idol finalists ay sina Scotty McCreery, Lauren Alania, James Durbin, at Casey Abrams. Ang American Idol ay napapanood sa Pilipinas via GMA News TV 11 at sa cable channel na Star World tuwing Huwebes at Biyernes. - FRJImenez, GMA News

Tags: americanidol