Filtered By: Topstories
News

P148K premyo sa Grand Lotto 6/55, ‘di pa rin tinamaan


MANILA – Inaasahang aabot sa mahigit P150 milyon ang magiging jackpot prize sa susunod na bola ng Grand Lotto 6/55 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) matapos walang tumama sa isinagawang draw nitong Miyerkules. Sa website ng PCSO nitong Miyerkules ng gabi, lumitaw na walang nakakuha sa winning combination na 43-49-53-44-37-23. Ang kabuuang premyo ay umabot sa P148,755,711.60. Wala ring tumama sa kombinasyon na 37-10-28-02-33-25 para sa Mega Lotto 6/45 draw na may jackpot prize na P13,125,963.60 Ang pinakamalaking papremyo sa Grand Lotto 6/55 ay umabot sa P741 milyon na tinamaan ng isang 60-anyos na balikbayan mula sa New York , USA noong Disyembre 2010. Ang balikbayan na nag-iisang tumama sa naturang draw ay tumaya sa Olongapo City, Zambales. - FRJimenez, GMA News
Tags: lotto, grandlotto