Filtered By: Showbiz
Showbiz

PNoy ex-gf Shalani and ex-stylist Liz Uy together in photoshoot


Tila nagkatotoo ang kasabihan na maliit ang mundo para sa dalawang babae na minsan naugnay kay Pangulong Benigno “Noynoy" Aquino III. Ito ay nang magkasama sa isang pictorial sina Valenzuela Councilor Shalani Soledad at celebrity stylist na si Liz Uy. Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes, sinabing napiling cover girl ng isang fashion magazine si Shalani na ex-girlfriend ni PNoy. Ang stylist sa nasabing photoshoot ni Shalani ay walang iba kundi si Liz – na best friend ni television host na si Kris Aquino, kapatid ng pangulo.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Naging presidential stylist ni PNoy si Liz at napaulat na idineyt noon ng pangulo nang magkahiwalay na sila ni Shalani. Sa pictorial, makikita ang ginawang pag-alalay ni Liz kay Shalani para sa pag-pose ng konsehala, na nag-celebrate ng kanyang ika-31 birthday last week. Very thankful daw si Shalani sa suportang natanggap niya sa buong team ng photoshoot. Nauugnay ngayon si Shalani sa controversial TV host na si Willie Revillame na kasama niya sa isang game show. - FRJImenez, GMA News

LOADING CONTENT