Filtered By: Showbiz
Showbiz

iGMA: Katrina Halili returns in Munting Heredera


Matapos ng panandaliang pamamahinga ay nagbabalik si Katrina Halili bilang isang kontrabida. Makaraan ang sandaling pamamahinga matapos ang primetime soap na Beauty Queen, muling nagbabalik ang isang very fresh at blooming na Katrina Halili bilang kontrabida sa pinakabagong family drama na aabangan sa GMA-7, ang Munting Heredera. Ano kaya ang magiging role niya rito? “Ako si Lynette, tapos ako yung hahadlang dun sa pagmamahalan nina Camille Pratts at saka ni Mark Anthony [Fernandez]," Katrina shared. Ito ay ang reunion nina Mark Anthony at Katrina sa isang project, na nagkasama na before sa Mars Ravelo’s Darna. How does it feel na magkakatrabaho silang muli? “Okay naman po, at least wala nang ilangan kasi nakatrabaho ko na siya sa Darna," she says. “Naging boyfriend ko yata siya doon. Hindi na ako naiilang sa kanya." Ito naman ang unang beses na makakatrabaho niya ang highly-respected actress na si Ms. Gloria Romero, who heads the cast of Munting Heredera. Kamusta naman ang kanilang unang pagkikita? “Nakita ko na siya sa story con," kuwento niya. “Mabait naman po, tapos ayun, makakatrabaho ko na siya ngayon. Excited naman po akong makatrabaho lahat [ng cast]." Samantala, dire-diretso na naman ang kanyang pagganap bilang isang kontrabida. Ayos lang ba sa kanya ito? “Okay lang naman, kung ano po yung ibigay sa’kin, okay lang," pagdedeklara niya. Hindi naman ba siya natatakot na ma-typecast? “Sa’kin, okay lang naman po, wala namang masama kung ma-typecast ako na kontrabida kung yun naman po ang bagay sa’kin, ‘di ba?" paglalahad niya. “Masaya naman ako na kapag kontrabida yung hinahanap nila, ako yung hinahanap nila." Abangan niyo ang Munting Heredera ngayong Mayo dito lamang sa GMA. “Mga Kapuso, abangan niyo po ang Munting Heredera, sa May 2 na, siyempre po sa primetime," pag-iimbita ni Katrina. - Karen de Castro, iGMA.tv