Filtered By: Showbiz
Showbiz

TV host Lolit Solis: ‘Wala akong Twitter, Facebook account’


Nilinaw ng sikat na TV host at talent manager na si Lolit Solis na wala siyang Twitter at Facebook account. Sa showbiz talkshow na Startalk TX nitong Sabado, sinabi ni Manay Lolit na hindi siya marunong gumamit ng mga social networking sites. Katunayan, wala rin daw siyang laptop at computer. “Sinoman ang gumagamit ng pangalan ko (sa Twitter at Facebook), ‘di totoo," deklara ni Manay Lolit, sabay paglilinaw na wala siyang sekretarya na nagpapakilalang nag-aasikaso ng kanyang account sa nabanggit na mga social networking site. Nabahala si Manay Lolit dahil marami raw naloloko ang “poser" niya at naglalagay din ng mga negatibong komento tungkol sa iba. Kabilang umano sa nabiktima ng kanyang “poser" ay ang Kapuso star na si Pauleen Luna, na hinihingan umano ng nagpapakilalang “Nay Lolit" ng pasalubong. “Baka marami siyang maharbat (makuha), mabawas pa sa mahaharabat ko," biro ng TV host. - FRJimenez, GMA News