Filtered By: Topstories
News

Pulis binaril habang minamaneho ang pampasaherong jeepney


MANILA – Binawian ng buhay sa ospital ang isang pulis na binaril habang nagmamaneho ng pampasaherong jeepney ng mga hindi nakilalang suspek sa Quezon City nitong Biyernes ng gabi. Sa ulat ng dzBB radio nitong Sabado, sinabing nakasakay sa motorsiklo ang bumaril kay SPO3 Ferdinand Eugenio, nakatalaga sa Caloocan City. Naganap umano ang pamamaril dakong 7:00 p.m. sa Road 20 sa Brgy Bahay Toro sa Quezon City. Nagtamo ng apat na tama ng bala mula sa hindi tinukoy na kalibre ng baril si Eugenio. Isinugod ang biktima sa Chinese General Hospital kung saan siya binawian ng buhay. Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya para malaman ang motibo ng krimen — GMA News
Tags: rpcrimes