Filtered By: Showbiz
Showbiz

Rochelle Pangilinan justifies topless costume in GMA 7’s, Amaya


Tulad ni Marian Rivera, handa rin ang dating 'SexBomb' dancer na si Rochelle Pangilinan na mag-topless sa inaabangang epicserye ng GMA 7 na, Amaya. Si Rochelle ang magiging pangunahing kontrabida ni Marian, na gaganap bilang isang mandirigma. “Abangan nila kung paano ko sobrang aawayin si Marian…ewan ko kung gaano ako kasama rito," pahayag ni Rochelle sa ulat ni entertainment reporter Aubrey Carampel sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules. Dahil sinaunang panahon ang tema ng serye, sinabi ni Rochelle na handa siyang mag-topless tulad ng ginawa ni Marian na nakikita na ngayon sa teaser ng epicserye.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “Si Marian nga nag-topless aarte pa ba ‘ko," bungad ni Rochelle."Yung mga pictures nga nung unang panahon di ba, yung mga sinauna natin, yung mga ninuno natin di ba wala naman talaga silang pakialam sa ‘top’ nila, so buhok lang talaga ang nakatakip (sa dibdib)." Sa isa pang ulat ng Chika Minute nitong Miyerkules, sinabing mainit na pinag-uusapan ang topless costume sa Amaya. Labis ang pasasalamat ni Marian sa pamunuan ng Kapuso Network na sa kanya ibinigay ang naturang proyekto. Bagaman mahirap para sa kanya, sinabi ng aktres na kailangan ang topless costume dahil hinihingi ito sa eksena. “Siyempre mahirap para sa’ken ‘yon. Pero ‘yon yung hinihingi sa’ken ni direk at ‘yon yung nasasaad sa script, bakit hindi ko gagawin," paliwanag ni Marian. Big production design Bukod sa mga karakter at kasuotan, dapat ding abangan ang production design ng Amaya. Kabilang na dito ang ipinagawang “Karakoa"— ang sinaunang barkong pandigma ng mga Pilipino. Ayon kay Rodel Cruz, umabot sa 50 katao mula sa Zambales ang nagtulong-tulong sa paggawa ng barko na tumagal ng dalawa at kalahating buwan. Hindi umano biro ang ginastos sa paggawa ng Karakoa at masusi rin ang ginawang research para sa mga detalye ng sinaunang barkong pandigma. - FRJimenez, GMA News