Filtered By: Topstories
News

Pagbagsak ng ratings ni PNoy, pinagdudahan


MANILA – Ipinagtataka ng isang senador ang resulta ng huling survey na ginawa ng Social Weather Station (SWS) kung saan lumitaw na bumagsak ang net trust ratings ni Pangulong Benigno “Noynoy" Aquino III at kanyang gobyerno. Hindi makapaniwala si Senador Francis “Chiz" Escudero na bumagsak ang tiwala ng publiko sa pamamahala ni Aquino, samantalang tumaas ang net ratings ng mga miyembro ng Gabinete nito. “Indikasyon ang approval ratings ni Pangulong Aquino na hindi sumasalamin patungo sa suporta sa chief executive ng kanyang mga opisyal,"pahayag ng senador. Sa first quarter survey ng SWS na ginawa noong Marso 4 – 7, 2011, bumagsak sa +46 percent ang satisfaction rating sa pamahalaang Aquino mula sa +64 percent noong Nobyembre 2010. Isinama umano sa naturang survey ang mga miyembro ng Gabinete ni Aquino na nakapagtala naman ng pagtaas sa ratings kaysa noong nakaraang Nobyembre. Samantala, mula sa dating net satisfaction rating +64, bumagsak ang approval ratings mismo ni Aquino sa +51, batay sa listahan ng SWS nitong Marso "This result creates a discomfort. The survey rated the President along with another particular subset, in this case the Cabinet secretaries. What one sub-set does should reflect the other sub-set. But while the President's men are gaining grounds, the President is losing steam. Something is amiss," hinala ni Escudero. Kung tama naman ang survey, lumilitaw umano na hindi nadadala ng mga miyembro ng Gabinete ang Chief Executive patungo sa paghahatid ng tamang mensahe na may kinalaman sa kanyang pamamahala. "The dip in the President's rating is a paradox vis-a-vis his official family. While he visibly takes the heat for the flak happening around him, it seems his men take the credit for the good things and good news," paliwanag ng mambabatas. Kaya naman iginiit ni Escudero na mahalagang kumilos ang communication team ng Palasyo para maipabatid ang mga nagagawang kabutihan ng pamahalaan sa publiko. - GMA News