Filtered By: Showbiz
Showbiz

TV host Pia Guanio is now engaged to…


Hindi na nalalayo ang pagpapakasal ng television host na si Pia Guanio matapos niyang aminin sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules na engaged na siya. Ayon kay Pia, nagkakilala na ang kanyang pamilya at ang pamilya ng kanyang boyfriend nito lamang Sabado. Gayunman, hindi binanggit ni Pia ang pangalan ng kanyang nobyo. Wala pa umanong petsa kung kailan sila magpapakasal. Pero sa column ng entertainment writer at TV host na si Ricky Lo (Funfare sa pahayagang Philippine Star), pinangalanan nito ang nobyo ni Pia na si Steve Mago, isang negosyante. Mag-iisang taon na umano ang relasyon ng dalawa.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Oktubre noong nakaraang taon nang mapabalita na nagkakalabuan ang dating magkarelasyon na sina Pia at co-host nito sa Eat Bulaga na si Vic Sotto. Dahil hindi kinumpirma nina Pia at Vic ang naturang hiwalayan, nanatili ang mga espekulasyon na talagang tinapos na nila ang mahigit limang taong relasyon. Noong nakaraang Abril, ilang larawan naman ang lumabas sa entertainment website na Philippine Entertainment Portal (PEP), tungkol sa isang lady celebrity na nakikipaghalikan umano sa isang "hot hunk" sa loob ng isang restaurant sa Greenbelt. May kalabuan ang mga larawan at hindi tinukoy sa artikulo ang katauhan ng lady celebrity. Ngunit may mga nagkomento at naniniwala na si Pia ang naturang babae. Sa hiwalay na panayam ng PEP, hindi nagbigay ng direktang pahayag si Pia tungkol sa mga larawan na lumabas din sa isang blog. (Read: PEP Exclusive: Pia Guanio reacts to ‘kissing photos’) "I don't really care because I try to stay away from those things," ayon sa TV host. "I'm sorry, pero hindi ako nagbabasa ng mga ganung blogs at ng iba pang online sites, so hindi ko pa talaga nakikita yung pictures. "At saka I don't have naman to explain myself to anyone. I'm answerable only to myself, to my God, and to my bosses. "My life is an open book, so hindi ako naba-bother sa mga ganung bagay. "I don't owe anybody an explanation," paliwanag ni Pia. – FRJImenez, GMA News