Filtered By: Showbiz
Showbiz

Marian Rivera sees Amaya as a challenge


Dahil sa laki ng produksiyon, nais ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera na i-challenge ang sarili sa pinakaaabangang epicserye sa bansa – ang Amaya. Para maibigay sa mga manonood ang detalye tungkol sa pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino, tatlong malalaking set ang itinayo para Amaya. Matatagpuan ang mga ito sa lalawigan ng Bulacan, sa Laguna at sa maging sa Pangasinan. Kabilang na dito ang ipinagawang “karakoa"— ang sinaunang barkong pandigma ng mga Pilipino, na pinagtalungang gawin ng mahigit 50 katao mula sa Zambales. Tumagal ng dalawa at kalahating buwan ang paggagawa sa barko at ginastusan ng husto, Bukod pa rito, masusi rin ang ginawang research para sa mga detalye ng sinaunang barkong pandigma. “I-challenge ko ang sarili ko na galingan ko basta mapaligaya ko sila (manonood) at makita nila kung sino si Amaya," ayon kay Marian, sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Bukod sa naglalakihang set, hindi rin matatawaran ang costume na gagamitin ng mga karakter sa Amaya na ibinatay din sa mga kasuotan noong unang panahon. Napag-alaman na lima ang magiging uri ng kasuotan ni Marian sa Amaya na hinabi umano sa Singapore at Malaysia. “Talagang pabago-bago rin ng characters (si Amaya), naging prinsesa, naging oripun, tapos warrior," kuwento ng aktres. Bukod sa magbibigay ng edukasyon sa mga manonood ang Amaya tungkol sa sinaunang kultura ng mga Pilipino na unti-unti nang nakakalimutan, mabibigyan din ng kaalaman ang publiko tungkol sa mga katutubong salita. Kabilang na nga dito ang “karakoa" na patungkol sa sinaunang barkong pandigma; ang “oripun,"na patungkol sa pinakamababang uri o antas ng tao sa lipunan o barangay; at ang “binukot," na prinsesa o pinakamagandang babae sa lugar. At dahil kabilang sa mga karakter na gagampanan ni Marian sa Amaya ay mandirigma, sinabi ng aktres sa kasama sa kanyang paghahanda ang paggamit ng sinaunang espada. Sinabi ni Marian na sobra ang kanyang pananabik sa Amaya dahil bukod sa kakaiba ito sa mga nagawa na niyang proyekto, ito rin ang unang project niya kung saan gaganap siya sa isang original role. - Fidel R Jimenez, GMA News

LOADING CONTENT