Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

"Tricycle Resident" and "Barangay Basketball Brawl"


Episode on May 19, 2011 Thursday after Saksi! RESIDENTE NG TRICYCLE Photobucket Dating tricycle driver ang singkwenta anyos na lalaki sa Barangay Catmon sa Malabon. Pero ang sasakyang dating pinagmumulan ng kabuhayan, siya niya nang tahanan ngayon. Tatlong taon na mula ng manirahan siya sa loob ng kanyang tricycle. Di-umano’y iniwan na siya ng sarili niyang pamilya at magmula noon ay mag-isa na lamang niyang hinarap ang buhay. Ngayon, tuluyan nang nasira ang tricycle na kanyang itinuring na bahay, pero pinagtitiyagaan niya ito bilang silungan. Kasabay nito ang tila unti unting pagkasira na rin ng kanyang katinuan. Tanging ang kanyang kapatid na nakatira sa di-kalayuan ang tumitingin sa matanda, ayaw niya raw kasing makitira sa kanila at mas pinili na manatili sa kanyang tricycle. Araw at gabi, pinalilipas niya ang oras kapiling ang tangi niyang yaman na tricycle. Kailan siya lalaya sa sasakyang itinuring niyang tahanan? GULO SA LIGA Photobucket Masaya, maaksyon at dinarayo ang bawat paliga sa barangay. Pero ang paliga sa barangay North bound South Boulevard sa Navotas, nauwi sa eskandalo! Kapwa nasa impluwensiya ng alak ang magkapitbahay na sina Zaldy Rubinas at Totoy Bagual. Pinuno ng paliga si Zaldy habang si Totoy naman ay miyembro ng na-eliminate na team noong gabing iyon. Habang nag-iinuman, bigla na lang umanong sinuntok ni Totoy si Zaldy at bigla itong pumasok sa kanilang bahay. Sa labis na galit at sa kagustuhang gumanti ay nag-amok naman si Zaldy sa labas ng bahay ni Totoy. Dahil sa gulo, agad na rumesponde ang mga barangay tanod ng Barangay North Bound South Blvd. Nabalot ng tensyon ang pag imbita kay Zaldy sa barangay para magsampa ng reklamo. Hindi nadala sa maayos na pakiusapan si Zaldy kaya’t napilitan ang mga otoridad na posasan siya para madala sa headquarters para makapagpablotter. Nagpupumiglas siya habang isinasakay sa tricycle. Pagdating sa Barangay Hall ay agad namang hinuli ng mga tanod ang nakaalitan ni Zaldy na si Totoy na natagpuan sa kisame ng kanilang bahay. Hindi natapos ang tensyon sa pag-aresto dahil magsisimula palang sana ang imbestigasyon sa dalawa nang biglang sumugod ang anak na lalaki ni Zaldy at sinuntok nito si Totoy, dahilan para ito’y mahimatay. Saan hahantong ang gulong nagsimula lang sa sana’y masayang laro ng basketball? Abangan ang mga kuwentong ‘yan sa RESCUE kasama si igan, Arnold Clavio. Huwebes ng gabi pagkatapos ng Saksi.
TRICYCLE RESIDENT A man has been living inside a tricycle he used to drive in Barangay Catmon, Malabon. For three years now he has been living inside the vehicle after his own family left him. When his tricycle broke down, he turned it into a shelter. As he lives alone inside the vehicle, his mental state slowly deteriorated. Only a sibling who lives nearby looks after the old man who would rather take refuge inside the tricycle than live with relatives. When will this man be freed from his plight? BARANGAY BASKETBALL BRAWL Basketball tournaments in barangays are always fun and action-packed. But the “paliga" in Barangay North bound South Boulevard in Navotas, saw more action than it should. Both under the influence of alcohol are neighbors Zaldy – the chairman of the paliga and Totoy, member of an eliminated team that night. While drinking, Totoy allegedly punched Zaldy out of nowhere and run for cover at home. Zaldy, wanting to fight back, created a scene outside Totoy’s home. Barangay officials quickly responded, but when they invited Zaldy to file for a formal complaint, tension further rose. The authorities then opted to handcuff Zaldy and brought him to the headquarters to file a blotter. The authorities didn’t waste their time to apprehend Totoy who was found hiding in the ceiling. But when they brought him to the headquarters as well, all hell broke loose. Zaldy’s son entered the scene and threw at punch at Totoy who got knocked out. How did the authorities resolve this situation that started from a basketball game and ended at a boxing match? Catch another action-packed episode of Rescue with Arnold Clavio! Thursdays after Saksi!