Filtered By: Showbiz
Showbiz

Richard Gutierrez’s car caught speeding along Commonwealth Avenue


Nahuli ang kotseng sinasakyan ni Richard Gutierrez sa Commonwealth Avenue sa Quezon City nitong Martes matapos lumabag sa 60 kilometer per hour speed limit na itinakda ng Metro Manila Development Authority (MMDA). Hindi si Richard ang nagmamaneho ng naturang kotse, kundi ang kanyang drayber na nakilalang si Loreto Figueroa, ayon sa ulat ng GMA News TV 11 On Call, nitong Miyerkules. Dahil sa paglabag sa traffic sign at speeding, binigyan ng ticket si Figueroa. Rumeshisto umano sa speed radar ng MMDA na pumalo sa 79 kilometer per hour ang takbo ng sasakyan ni Gutierrez. Nilimitahan ng MMDA sa 60/kph ang takbo ng mga sasakyan sa Commonwealth Avenue dahil sa mataas na bilang aksidente sa naturang kalsada – na tinaguriang “killer highway."
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Nagkuwento umano ang MMDA enforcer na narinig nitong nagmura si Richard pero naniniwala siya na hindi sila ang pinatungkulan ng aktor kundi ang nangyaring sitwasyon. Kaagad namang nagpunta sa tanggapan ng MMDA ang ina ni Richard na si Annabelle Rama para alamin ang nangyari. Pinagalitan na rin umano ni Annabelle ang drayber ni Richard at nakipagkamay pa sa MMDA enforcer. Bukod kay Gutierrez, ilan pang motorista ang nahuli sa Commonwealth Avenue dahil sa hindi pagsunod sa speed limit. Muling pinaigting ang kampanya laban sa mabilis na pagpapatakbo ng sasakyan sa naturang highway matapos masawi sa aksidente ang veteran journalist at UP professor na si Lourdes “Chit" Estella-Simbulan. – FRJimenez, GMA News