Filtered By: Showbiz
Showbiz

iGMA: Joshua Dionisio’s dream role


Tuloy-tuloy ang pasok ng mga blessings sa buhay ni Joshua Dionisio ngayong taon. Malapit nang matapos ang kanyang show na Nita Negrita, na naging successful. Ano pa nga ba ang maaabangan ng mga fans sa nalalabing linggo ng Nita Negrita? “Sa Nita, maraming mawawala. Maraming mamamatay. May mga mamamatay, maraming magkakagalit na sobrang away-away talaga, hanggang ma-resolve na yung problema. Magulo talaga ang buhay ni Nita, sobrang daming problema," kuwento ni Joshua. “Pero ako naman, dahil kaibigan niya ako, ako naman ang tutulong sa kanya. Abangan niyo kung ano ang mangyayari kay Nita."

Aside from this, patuloy din ang success ng kanilang tween-oriented show na Reel Love presents Tween Hearts. In fact, dahil sa inabot nila na tagumpay dito ay nabigyan si Joshua at ang kanyang mga castmates sa Tween Hearts ng pagkakataon to take the phenomenon to the big screen with their upcoming movie Tweens: Class of 2012. Inasahan ba ni Joshua na aabot sa ganito ang success ng kanilang show? “Ang ini-expect lang namin, mas ma-e-extend lang ng ma-e-extend ang mangyayari. Hanggang dun lang yung naisip namin na akala naming, nung sinabi sa’min na magkakaroon ng movie, parang joke lang. Tapos sinabi sa’min na may pictorial na nga yung movie," paglalahad niya. But even with all this success at his young age ay may gusto pa ring magawang project si Joshua. Aminado si Joshua na ang kanyang dream role ay maging action star para sa telebisyon. “Gusto ko talaga, kaso konti lang ang nakikita ko na action," pag-amin ni Joshua. Ano namang klase ng action ang kanyang gusto para sa dream role niya na ito? “Ayoko ng masyadong fantasy. Gusto ko medyo makatotohanan. Kasi yung Amaya nga, parang ano na, epic, so gusto ko yung totoo talaga," he shares. Abangan si Joshua sa huling linggo ng Nita Negrita tuwing hapon at sa Reel Love presents Tween Hearts tuwing linggo dito lamang sa GMA. - Karen de Castro, iGMA.tv