Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sweet image, iiwan na nga ba ni Heart Evangelista?


Iiwan na nga ba ni Heart Evangelista ang sweet image matapos siyang lumabas sa remake ng sexy film, na Temptation Island? Ayon kay entertainment reporter Nelson Canlas, may pagka-sexy ang role ni Heart sa Temptation Island. Kasama niya rito sina Marian Rivera, Solenn Heussaff, Rufa Mae Quinto, at Lovi Poe.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sa Chika Minute ng GMA News 24 Oras nitong Biyernes, sinabi ni Heart na posibleng sumabak na nga siya sa pagpapasexy pero may limitasyon. Mas gusto rin ng aktres na ang real-life boyfriend na si Daniel Matsunaga ang makakapareha niya para hindi na sila magkakailangan sa eksena. Pero nang si Heart kung payag din ba siyang magpa-sexy sa movie ang nobyo, sagot nito, bahala na raw magdesisyon ang Brazilian model-turned actor. Dagdag ni Heart, planado na ang trip nila ni Daniel sa Brazil kung saan naninirahan ang mga magulang ng binata. At dahil halos araw-araw daw nakakausap ng aktres sa Internet ang mother ni Daniel, lalo daw itong na-e-excite na matuloy na ang kanilang bakasyon. – FRJ, GMA News