Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jennylyn Mercado confirms she’s dating Luis Manzano


Kinumpirma ni Jennylyn Mercado sa Startalk TX nitong Sabado na lumalabas nga sila ng actor-TV host na si Luis Manzano. Ibig bang sabihin nito ay handa na siyang pumasok sa panibagong relasyon? Ginawa ni Jennylyn ang pagkumpirma matapos aminin ni Luis sa panayam sa ibang network ang paglabas nila ng Kapuso actress. Inamin umano ni Luis, anak nina Edu Manzano at Batangas Gov Vilma Santos- Recto, ang tungkol sa paglabas nila ni Jennylyn para matapos na ang mga intriga na ginagamit lang siya ng aktres. Sa panayam sa telepono ni Joey de Leon, host ng Startalk, sinabi ni Jennylyn na nagsimula ang pagkakaibigan nila ni Luis nang magkasama sila sa pagta-training niya ng muay thai at ju-jitsu. Kinumpirma rin ni Jennylyn na ipinakilala na siya ni Luis sa ina nitong si Ate Vi. Pero nilinaw ni Jennylyn na hindi pa siya handang pumasok sa panibagong relasyon. “Kasi galing po ako sa isang relasyon, so hindi pa po ako talaga handang pumasok sa isang relasyon ulit. Ano pa… nursing pa rin ako (of broken heart)," pahayag ng aktres. Ilan buwan pa lang ang nakalilipas nang iulat ang paghihiwalay nina Jennylyn at Dennis Trillo. Tila hindi rin maganda ang dahilan ng paghihiway ng dalawa, kunsaan ikinuwento ni Jennylyn sa Yes! Magazine ang tunay na dahilan umano ng pagtatapos ng mahigit isang taong relasyon nila ni Dennis. (Read: Jennylyn reveals reason behind breakup with Dennis in a tell-all interview with YES!) Inihayag naman Denis ang hangarin niyang matapos na ang usapin tungkol sa breakup nila ni Jennylyn. (Read: Dennis on Jennylyn revelation: ‘Bahala na sila kung ano ang gusto nilang isipin’) Nang hingan ni Joey si Jennylyn ng mensahe para kay Luis, tugon ng aktres: “Siyempre natutuwa ako dahil kahit papaano ipinagtanggol niya rin ako sa mga hindi magagandang naglalabasan na isyu… mabait ang pamilya niya...sana hindi siya magbago." - FRJimenez, GMA News