Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kuya Germs laughs off rumors about his 'death'


Ipinapaubaya na lamang umano sa Diyos ni German “Kuya Germs" Moreno ang mga tanong nagkakalat ng balita na patay na siya. Sa Chika Minute ng GMA News 24 Oras, masigla at masayang nakapanayam si Kuya Germs sa kanyang programa sa dzBB radio nitong Huwebes ng hapon. Kumalat sa ilang social networking sites na patay na si Kuya Germs dahil sa maling nakatala sa isang free online encyclopedia.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sinabi ng tinaguriang “Master Showman" sa showbiz industry na hindi ito ang unang pagkakataon na napabalitang patay na siya. Pero sa halip na magalit, bahala na umano ang Diyos sa mga taong nagkakalat ng maling impormasyon. Nagpasalamat naman si Kuya Germs sa mga taong nag-alala sa kanya, kasabay ng payo sa publiko na huwag kaagad maniniwala sa kanilang mga nababalitaan. - FRJimenez, GMA News

LOADING CONTENT