Filtered By: Showbiz
Showbiz

'Born To Be Wild' is the first 'Asean Champion of Biodiversity in Media'


Nakamit ng Kapuso environmental show na Born To Be Wild ang natatanging pagkilala bilang kauna-unahang 'Asean Champion of Biodiversity in Media.' Dinaig ng Born To Be Wild – hosted by Kiko Rustia and Doc Ferdz Recio – ang 11 kalahok mula sa ibang mga bansa sa Southeast Asia. Ito rin ang nag-iisang entry ng mga Pinoy. “We’ve been working hard to bring environmental information to the people, to the masses," ayon kay Kiko sa ulat ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Inihayag naman ni Angeli Atienza, program manager ng programa, na malaking karangalan sa kanila ang natanggap na pagkilala. “It’s a huge honor for us and pakiramdam namin dala namin hindi lang yung bandera ng GMA, pero yung bandera ng Pilipinas," ayon kay Angeli. Paliwanag ni Rodrigo Fuentes, executive director ng Asean Center for Biodiversity, na napili ang Born To Be Wild dahil sa pagiging simple, mabilis at epektibong pagbibigay nito ng impormasyon sa publiko. Kasabay ng pagkapanalo, mas malaking hamon umano ang naghihintay sa mga taong nasa likod ng Born To Be Wild. Hangad umano ng progama na palawakin pa ang adbokasiya nito na mailapit sa mga Pinoy ang usapin tungkol sa kahalagahan at pangangalaga sa biodiversity at kalikasan. -- FRJimenez, GMA News