Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Kamusta na si Yasmien Kurdi?


Subsob talaga sa pag-aaral ngayon si Yasmien Kurdi. Kahit na nga dapat ay nakapagbakasyon siya nitong school break ay nag-summer classes pa rin ang dating StarStruck Season One First Princess. “Meron din po community duties," sabi ni Yasmien sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makausap ito kamakailan. Nag-shift kasi ng kurso si Yasmien. Dati siyang Foreign Service major na lumipat sa kursong Nursing. “Magse-2nd year na ‘ko sa nursing at the New Era University. Fourth year na dapat ako sa Foreign Service," kuwento pa ni Yasmien sa pagbabago niya ng kurso. Pero kahit paano naman, nakakasingit pa rin ang pag-unlak niya sa mga imbitasyon ng mga kaibigan at mga kaklase na dayuin ang mga lugar na puwede siyang makapag-relax. “Kasi po nag-aya ang friend kong si Ed sa house nila sa harap ng beach. Doon po sa Zambales. Kasama ko po yung iba pang nursing students. “Yung sa Anawangin is gusto lang po talaga kasi ni Mama mag-outing, so sabi niya inggit daw siya sa mga friends niya. Kaya nag-Anawangin, Zambales Nagpunta rin sa isang resort sa Batangas si Yasmien. “Kasi yung friend ko po si Vic ang may-ari ng buong resthouse po kaya ayun po," kuwento pa ni Yasmien. Pero kung meron talaga siyang lugar na gustong puntahan, ito raw ay ang island country ng Seychelles. “Kasi I saw the place sa net. Yung mga photos… I think the place is beautiful. Lalo na siguro sa personal. Parang yung time na may mga dinosaurs and all…" At sino naman ang gusto niyang isama kung makakapunta nga siya roon? “Yung friend ko po na guy. Sana nga kung may lovelife, e. Kaso wala. So yung friend ko na lang po, si Andoi." Kelan naman siya makakabalik ng showbiz? “Naku matagal pa po. Ang hirap po kasing pagsabayin ang work at school, e. “I miss everything na nga po. Haaay…" nasabi na lang ni Yasmien. - Rommel R. Llanes, PEP
Tags: yasmieskurdi