Filtered By: Showbiz
Showbiz

Dennis aminadong ‘di pa siya lubos na nakaka-recover sa breakup nila ni Jennylyn


Hindi ikinaila ni Dennis Trillo na ang breakup nila ng kapwa Kapuso star na si Jennylyn Mercado ang pinakamasakit na pakikipaghiwalay na naranasan niya sa kanyang mga nakarelasyon. Sa ulat ni showbiz reporter Aubrey Carampel, sinabi ni Dennis na pinipilit niyang gawing normal ang kanyang buhay matapos wakasan nila ni Jennylyn ang mahigit isang taon nilang relasyon. “Pinipilit ko na gawing nomal pa rin ang buhay kahit may ganung mga nangyari, may ganung nasasabi tungkol sa’ken… life must go on," ayon sa aktor sa Chika Minute ng GMA new 24 Oras nitong Miyerkules. Tumanggi pa rin si Dennis na sagutin ang mga isiniwalat ni Jennylyn sa isang panayam sa entertainment magazine na umano’y tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan ng aktor. (Basahin: Jennylyn reveals reason behind breakup with Dennis in a tell-all interview with YES!)
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “Walong taon o seven years niyo ‘kong naiinterview, alam niyo naman na hindi ako masyadong pumatol sa mga ganyang klaseng gimik," ani Dennis. “And parang naisip ko lang na parang there’s no point na sumagot pa or palakihin pa." Ginawa ni Dennis ang pahayag sa press launch ng bagong afternoon soap na Sinner or Saint. Kasama ni Dennis sa proyekto sina Bianca King at ang balik-Kapuso na si Alessandra de Rossi. Naging kontrobersiyal kaagad ang soap dahil sa pinag-uusapang hot scene nina Dennis at Bianca. Bukod pa rito ang pagpalit-palit na title ng soap. “Okey rin para magiging curious ang mga tao kung ano ba ito, bakit ganito ang title nito. And yung ‘sinner or saint’ feeling ko, akma siya sa lahat," paliwanag ni Dennis. Hindi naman apektado si Bianca sa mga intriga na hindi siya ang orihinal na napili na gumanap sa lead role ng naturang soap. “Ang hangad ko lang talaga ay ipakita sa tao kung gaano ko kamahal itong show na ito, kung gaano ako ka-proud na napunta sa akin itong role na ito," ayon kay Bianca. -- FRJ, GMA News