Filtered By: Showbiz
Showbiz

Stef Prescott joins sexy bandwagon


Nagpa-sexy na rin ang StarStruck alumna na si Stef Prescott. Inamin din ng Kapuso young star na siya mismo ang lumapit sa isang men’s magazine para maging cover nito. Sa fantasy series na Captain Barbell, kitang-kita ang magandang hubog ng katawan ni Stef sa kanyang mala-cat women costume bilang si Eba. Sa ulat ni showbiz reporter Aubrey Carampel sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes, sinabi ni Stef na hindi naging madali para makuha niya ang figure niya ngayon.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV May eating disorder daw ang young actress. At isa raw sa mga dahilan kaya siya nag-culinary ay para malaman niya kung ano ang mga pagkain na puwede niyang kainin pero hindi siya tataba. Pinabulaanan din niya ang mga espekulasyon na nagparetoke siya kaya gumanda ang hubog ng kanyang katawan. Kuwento pa ni Stef, siya mismo ang nagsabi sa kanyang handler na gusto niyang mag-cover sa FHM magazine. Panahon na raw para magkaroon ng panibagong challenge sa kanyang career. “It was a big decision on my part kasi ako mismo ang lumapit sa FHM," ayon kay Stef. Dahil itinuturing next step sa career ang pag-pose ng sexy sa cover ng isang men’s magazine, ibig bang sabihin nito ay handa na rin si Stef na tumanggap ng mga daring at more mature roles? “I’m ready for anything naman at saka nasa pagdadala lang ‘yan," kumpiyansa niyang pahayag. - FRJ, GMA News