Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Nilasong lawa?


Episode on June 14, 2011 Tuesday after Saksi!
NILASONG LAWA? "THE TAAL LAKE FISH KILL INVESTIGATION" Jiggy Manicad and Maki Pulido
Taal Lake is considered as one of the most beautiful lakes in the whole word. But for several weeks now, the majestic lake has been the site of the most massive and destructive fish kill in the industry’s history. As hundreds of tons of dead fish float on Taal Lake, the livelihood of thousands of our countrymen is put at stake. Some thought that the fish kill was brought about by climate change or perhaps the activity of Taal Volcano. But there are many other underlying reasons for the phenomenon. Jiggy Manicad and Maki Pulido set out to make a thorough investigation on the Taal Lake fish kill. From the fisher folks, capitalists to concerned government agencies, Reporter’s Notebook probes on the possible causes of the catastrophe and finds out who should be made accountable and how to prevent it from happening again. Reporter’s Notebook airs every Tuesday, after Saksi!
NILASONG LAWA? "THE TAAL LAKE FISH KILL INVESTIGATION" Ulat nina Jiggy Manicad at Maki Pulido
Sa buong kasaysayan, ito na ang pinakamalaki at pinakamalalang fish kill na naganap sa Lawa ng Taal. Ang Taal Lake ay binansagang isa sa pinakamagandang lawa sa buong mundo. Pero kamakailan, isang hindi magandang tanawin ang bumungad dito. Lumutang sa tubig at nangamatay ang maraming isdang bumubuhay sa mga residente sa lugar. Sa paglutang ng mga isda, siya namang paglubog ng kabuhayan ng maraming mangingisdang umaasa rito. Ang climate change ang unang sinabing dahilan ng malawakang pinsalang dulot ng fish kill. Pero sa likod ng pinsalang ito, maraming mas malalalim na dahilan kaya tila laging nakaambang mangyari ang mga pangyayaring gaya nito. Mula sa mga maliliit na mangingisda, namumuhunan at kapitalista hanggang sa otoridad at pamahalaan, isa-isahin ang mga dahilan kung bakit patuloy na nangyayari ang fish kill. Anu-ano ang mga pagkukulang? Sino ang may tunay na pananagutan? Paano masisigurong hindi na muling mauulit ang mga pinsalang hatid ng fish kill?