Filtered By: Showbiz
Showbiz

Michelle Madrigal, Azkals’ Neil Etheridge an item?


Matapos ang balitang panliligaw ni Phil Younghusband sa aktres na si Angel Locsin, isa na namang miyembro ng football team na Philippine Azkals ang nauugnay sa isang aktres. Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules, iniulat na nagdi-date ang Kapuso young star na si Michelle Madrigal at ang goalkeeper ng Azkals na si Neil Etheridge. Ayon sa Chika Minute host na si Pia Guanio, lalo pa raw naitriga ang dalawa dahil sa palitan nila ng mensahe sa Twitter. Ilan nga sa Twitter exchange nina Michelle at Neil ay: *Mitch_Madrigal @Neil38Etheridge have a safe trip! * Neil Etheridge@Mitch_Madrigal thanks beautiful! Have a good time, don't party too much or work too hard. I'm sure I will see you when I get back! Enjoy! X *Michelle_Madrigal@Neil38Etheridge noooo!!! Stay!!! * Neil Etheridge@Mitch_Madrigal I wish I could, I would haha just for you... But unfortunately I can't :-( Matatandaan na nagsimula ang ugnayan nina Phil at Angel nang ipadaan ng star player ng Azkals ang pag-aya sa aktres na mag-date sa pamamagitan ng Twitter.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Ngunit paliwanag ni Michelle, minsan lang daw sila lumabas ni Niel at kasama nila ang iba pang miyembro ng Azkals at ilang mga kaibigan. Itinanggi rin ng sexy actress na nagkakamabutihan sila ng goalkeeper ng Azkals. Ilang buwan na rin ang nakalilipas nang ihayag ni Michelle na break na sila ng kapwa Survivor Philippines ex-castaways at model na si Jon Hall. Hindi naman nakunan ng pahayag si Niel na kasalukuyang nasa Germany kasama ng Team Azkals para magsanay. Ito ay bahagi ng kanilang paghahanda sa nalalapit nilang laban sa Sri Lanka para sa World Cup qualifying match. -- FRJimenez, GMA News