Filtered By: Showbiz
Showbiz

'Gypsy Heart' Miley Cyrus arrives in Manila


Nasa Pilipinas na ang international singer at teen pop star na si Miley Cyrus para sa kanyang one-night-only concert na gagawin sa SM Mall of Asia, Pasay City sa Biyernes ng gabi. Lumapag ang eroplanong sinakyan ni Miley sa Ninoy Aquino International Airport bago maghating-gabi nitong Miyerkules. Ang pagtatanghal ni Miley sa Pilipinas ay bahagi ng kanyang “Gypsy Heart World Tour." Sa isa niyang tweet, sinabi ni Miley na, "@Vijphoto cant wait to do PHOTOSHOOOOTTSSSSS in Manilla =] whooop whooooo!" Sumikat si Miley sa kanyang Disney hit TV show sa US na Hannah Montana. Magsisilbing front acts sa concert ni Miley ang mga teen star na si Elmo Magalona at Sam Concepcion. Kabilang sa mga sumikat niyang awitin ni MIley ay ang, “Party in the USA,"“Take Me Along" at “Simple Song." --- GMA News