Filtered By: Showbiz
Showbiz

iGMA: Bianca King ready na sa bagong challenge sa kanyang career


Handa at very willing si Bianca na para sa challenges na kabilang sa kanyang pagganap bilang isang bida for the first time sa Sinner or Saint.

Isang kakaibang Bianca King ang napapanood ng mga Kapuso ngayon tuwing hapon sa bagong drama na Sinner or Saint. Ang kanyang pagganap bilang ang bidang si Noemi ang kauna-unahang beses na gaganap si Bianca bilang isang bida. Nahihirapan ba si Bianca sa pagganap kay Noemi? “Challenging talaga siya, pero yung role na nakuha ko dito sa Sinner or Saint, parang dream roe ko na siya dahil bukod sa pagka-challenging niya, maraming emosyon na kinailangang ipakita," says Bianca. Maraming mga eksena si Bianca na kukunan sa depressed areas ng city at sa loob mismo ng kulungan. Mahirap ba ang mag-shoot dito? “Hindi naman po mahirap. Kahit na nagte-tape kami sa loob ng correctional, hindi naman siya mahirap. Parang ano nga siya e, mas madaling ma-internalize yung role dahil sa mga locations," pag-amin ni Bianca. “At saka mahal na mahal ko po talaga yung character at saka yung material. Hangang-hanga ako sa material na naisulat ni sir RJ Nueva. So hindi siya mahirap i-portray talaga." Of course, dahil mas kilala si Bianca bilang kontrabida, at ito ang unang beses niyang gaganap sa isang bida role, hindi maiiwasan na may mga magsabi na hindi bagay para sa kanya ang kanyang role. Ano naman ang kanyang maisasagot sa mga ito? “It’s part. It’s part in everything that you do, in every task na dadaanan mo, kasama na yung criticism dun," paglalahad niya. “Hindi naman puwedeng palaging good na lang lahat ng naririnig mo sa tao, ‘di ba. May good at may bad. At for me, ako yung tipo ng tao na kapag may bad, sinusubukan ko talaga na i-take in constructively para alam ko din kung saan yung mga areas na kailangan kong i-improve. Even negative things can be turned into something positive, depende na lang yun sa pag-handle ng tao." Watch out for Bianca and the cast of Sinner or Saint tuwing hapon sa Dramarama sa Hapon ng GMA. - Karen de Castro, iGMA.tv