Filtered By: Showbiz
Showbiz

What's the real score between Jackie Woo, Nina Kodaka?


Usap-usapan ngayon na nagkakamabutihan daw ang Japanese actor-producer na si Jackie Woo at ex-Starstruck avenger na si Nina Kodaka. Ano nga ba ang real score sa kanilang dalawa? Sa ulat ni showbiz reporter Cata Tibayan, sinabi nito na sabay dumating sa bansa mula sa Japan nitong Martes sina Jackie at Japanese-Filipino Kapuso talent na si Nina. Kaya naman tinanong ng showbiz press ang dalawa kung talagang sila na, at kung totoo na nagli-live in na sila.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Pero paglilinaw ni Nina, walang romantikong namamagitan sa kanila ni Jackie. Malaki raw ang utang na loob niya sa Japanese actor-producer dahil napansin nito ang husay niya sa pag-arte. “Hindi, hindi talaga totoo. Pinakilala daw niya ko sa family niya (sabi sa tsismis), ayun natawa rin siya (Jackie). Kasi siya rin ‘di raw niya nakikita family niya," pahayag ni Nina sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Sabado. Naging close ang dalawa nang magkasama sila sa isang independent movie na ipalalabas sa 2012. “Very nice actress, maybe naisip ko next pelikula ko kasama (si Nina)," ayon kay Jackie. - FRJimenez, GMA News