Filtered By: Showbiz
Showbiz

Bagay kaya kay Sam Pinto ang role na 'Darna'?


Isa si Sam Pinto sa mga maituturing pinaka-sexy ngayon sa showbiz. At sa unang 'Yahoo OMG Award,' inihayag ng baguhang aktres ang kanyang dream role, pati na ang kanyang dream leading man. Sa unofficial count ng isang men’s magazine para sa titulong 'sexiest women in the world,' si Sam ang nangunguna sa isinasagawang online survey. Sa ulat ni showbiz reporter Cata Tibayan, sinabi nito na very visible si Sam sa showbiz dahil sa kanyang mga acting project at product endorsements.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules, sinabi ni Sam na gusto niyang maging leading man si Aljur Abrenica. Komportable na raw kasi siya sa aktor dahil minsan na rin niya itong nakasama sa isang proyekto sa Kapuso Network. At nang tanungin ng showbiz press si Sam sa first Yahoo OMG Award nitong Martes ng gabi kung ano ang kanyang dream role, sinabi nito na gusto niya ang role na dating ginampanan na rin ni Marian Rivera. “Gusto kong maging ano… ‘yan naman… (si) Darna!," masaya niyang sagot. -- FRJ, GMA News