Filtered By: Showbiz
Showbiz

Hayden Kho Jr, Dra Vicki Belo to tie the knot?


Inamin ni Dra Vicki Belo na engaged na sila ng kanyang longtime boyfriend na si Hayden Kho Jr. Totoo kayang may magaganap na kasalanan sa darating na Nobyembre? Sa ulat ni showbiz reporter Cata Tibayan, sinabi nito na very sweet ang controversial couple nang dumalo sa isang social event. Dito ay sinagot ni Dra Vicki ang mga katanungan tungkol sa estado ng kanilang relasyon ni Hayden.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “We’re engaged… pero matagal na kaming engaged," pahayag ng celebrity doctor sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes. “Sa America ginawa nung December… nag kneel down pa siya in fairness," dagdag ng duktora patungkol sa ginawang pagsuyo umano sa kanya ni Hayden. Sadya raw inilihim ng dalawa ang nangyaring engagement para sa kanilang privacy kaya hindi muna isinuot ni Dra Vicki ang ibinigay na engagement ring ng binata. Pero pinabulaanan naman nila na sa Nobyembre na magaganap ang kanilang kasalan. Sa susunod na buwan ay ipapaalam daw ng dalawa kung kailan at saan gagawin ang kanilang kasal. - FRJ, GMA News