Filtered By: Showbiz
Showbiz

Is Kris Bernal suffering from anorexia?


Marami ang nakapansin na payat ngayon ang Kapuso young actress na si Kris Bernal. Kaya naman may ilang fans ng aktres ang nababahala at nagtatanong kung may sakit nga ba ang kanilang idolo. Pero sa panayam ni showbiz reporter Cata Tibayan, sinabi ni Kris na hindi siya anorexic. Sadya raw ang ginagawa niyang nagbabawas ng timbang. Kailangan daw niyang magpapayat bilang paghahanda sa bago niyang project na kauna-unahang ‘danceserye' sa GMA 7, ang Time Of My Life.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV
Nagtiis nga raw ang aktres na dalawang buwan na hindi kumain ng kanin, na ang kapalit naman ay pagkabawas ng ten pounds sa kanyang timbang. “Alam ko requirement din dun (sa project) kunwari mga dance number madalas nga naka-shorts ka or parang kita ang tiyan mo. Ganun o parang sexy, medyo sexy rin yung damit katulad nga yung mga may eksena ako sa club," paliwanag niya sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules. Pero pag-amin ni Kris, hindi pabor sa pagda-diet niya ang manliligaw niyang si Jay Perillo. Kuwento ni Kris, dinadalhan pa nga siya ni Jay ng mga paborito niyang pagkain sa bahay para lang masira ang kanyang diet routine. – FRJ, GMA News