Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kapuso star is Philippines' Sexiest Woman


Isa na namang Kapuso star ang tinanghal na pinaka-seksing babae sa Pilipinas batay sa final and official tally sa isinagawang online voting ng isang kilalang men’s magazine. Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes, sinabing si Sam Pinto ang nanguna sa pinal sa botohan ng FHM para sa 2011 Sexiest Woman in the Philippines.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Ang kompletong listahan ng mga boto ay malalaman sa July edition ng magazine. Matatandaaan na ilang linggong na-dominate ni Sam ang partial, unofficial tally sa botohan kung saan mahigpit pa niyang nakalaban ang kapwa Kapuso star na si Marian Rivera. Bukod kay Sam, ang iba pang Kapuso stars na tinanghal na ring sexiest woman ng FHM ay sina Marian at Katrina Halili. - FRJimenez, GMA News