Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

"Tukayo ng Sikat, Raw Meat Diet, Game, Gandang Natural and Small World"


Episode on July 2, 2011 Saturday after Spooky Nights! Tukayo ng Sikat!
Photobucket
Some people were named after celebrities! Take for example “Robin Padilla", who, despite his famous namesake, is a certified good boy! Meanwhile, “Jennifer Lopez" rules… not on the dance floor but at a gasoline station! And each day is a blockbuster for waiter “Richard Gomez"! Raw Meat Diet
Photobucket
For Edwin, eating raw meat allegedly healed his skin disease. The question is, is it really effective or is it really safe at all? Game!
Photobucket
With the continuing rise in popularity of games such as Angry Birds, are Filipino gamers up to the challenge of creating our own video game version? Gandang Natural
Photobucket
For smoother skin, some people use soaps that are made of radish! While malunggay leaves are not only healthy to eat, it is also the perfect ingredient for making shampoo! And the most effective cure for dry skin? Strawberry! Small World
Photobucket
There are some things that may be small in size but huge in value --- a mansion that fits the palm of your hand, a miniature city, and match-sized figurines!
Tukayo ng Sikat! Hindi maiiwasang may mga kapareho tayo ng pangalan… at yung iba… mga celebrity pa ang katukayo nila! Ang Journalism student na si “Robin Padilla", kahit good boy raw siya, madalas pa ring mapagkamalang pilyo! Si “Jennifer Lopez" naman, hindi raw sa dance floor madalas humataw kundi sa gasoline station!. Pinagkakaguluhan naman sa isang restaurant ang isa sa mga waiter rito, na ang pangalan --- “Richard Gomez"! Hilaw na Gamot? Ang ilan nating mga kababayan, nakahanap daw ng lunas sa kanilang karamdaman sa pamamagitan nang pagkain ng hilaw na karne ng hayop! Simula raw nang magkakain si Edwin ng hilaw na karne ng baka, parang milagro raw na nawala ang sakit niya sa balat. Ang tanong, ligtas at epektibo ba talaga ito? Game! Isa sa mga patok na patok ngayon na video game ang Angry Birds, kung saan tinatarget ng mga ibon ang mga kalaban nila. Ngunit kaya ba nating makipagsabayan sa paggawa ng ganitong klase ng video games? Gandang Natural! Sa mga sariwang pagkain sa ating kapaligiran, hindi lang ang ating tiyan ang puwedeng mag-fiesta. Kung pangarap mo’y maputi at makinis na kutis, subukan daw ang sabon na gawa sa singkamas. Ang dahon naman ng malunggay, hindi lang masustansya sa ating katawan, perfect din daw ang katas nito sa paggawa ng shampoo. Ang strawberry naman, epektibo raw na pampasariwa ng natutuyong balat! Small World May mga bagay na maliliit man, ga-higante naman ang halaga --- mga miniature art! Hindi raw nalulula si Aleli sa kanyang mga munting “mansyon" dahil kayang-kaya raw niyang paikutin ang mga ito sa kanyang palad. Si Danny naman, hindi lang daw basta mga bahay ang napaliliit, nakagagawa rin siya ng mini version ang mga naglalakihang gusali!