Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kapuso stars dominate Top 10 list of 2011 FHM Sexiest Women


Nanguna ang mga Kapuso stars sa listahan ng FHM Sexiest Women in the World ngayong taon. Bukod kay Sam Pinto na itinanghal na pinaka-seksing babae sa bansa, pitong Kapuso stars din ang pasok sa Top 10 list ng sexiest woman ng naturang men’s magazine.

Mula sa 32nd spot last year ng sexiest women, naging number 1 si Sam Pinto ngayong taon. Pinalitan ni Sam sa number 1 spot ang tinanghal na 2010 sexiest women na si Angel Locsin, na pangatlo na lamang ngayong taon. Nasa second spot naman this year ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera – na noong 2008 ay siyang No. 1 sexiest woman ng magazine. Maliban kay Cristine Reyes na nasa ika-apat na spot, pawang mga Kapuso stars na ang bumuo sa Top 10 list – sina Solenn Heussaff (5); Katrina Halili (6); Jennylyn Mercado (7); Iwa Moto (8); Jackie Rice (9); at Ellen Adarna (10). Makikita ang kompletong listahan ng mga itinanghal ng 100 Sexiest Women in the World sa July issue of FHM. - FRJimenez, GMA News