Filtered By: Showbiz
Showbiz

Maricel Soriano, 2 ex-maids to face off on Wednesday


Inaasahang magaganap ang paghaharap ng batikang aktres na si Maricel Soriano at dalawa nitong dating kasambahay na nag-akusa sa tinaguriang “Taray Queen" sa Philippine showbiz nang pang-aabuso at pananakit. Sa ulat ng GMA news 24 Oras nitong Martes, umaasa si Chairman Benhur Cruz, ng Brgy Poblacion, Makati, na sisipot si Maricel sa paghaharap sa Miyerkules, 4:00 p.m. “Hope dumating siya o kaya representative niya para maayos na ang problema ma-air yung side niya," pahayag ni Cruz matapos na ipadala umano nitong Lunes ang summon sa aktres. Kung hindi sisipot si Maricel pagkaraan ng tatlong pagdinig sa barangay, iaakyat na umano sa korte ang reklamo.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Una rito, inakusahan ni May Cachuela si Maricel ng pananakit sa kanya nang bigla umanong mag-init ang ulo nito. “Tinadyakan po niya ako e. Sa isang pagkakamali na hindi dapat na tatadyakan… tinadyakan niya ‘ko dito po," naunang pahayag ni Cachuela. Bagaman hindi nakaranas ng pisikal na pananakit sa aktres, sinabi naman ni Camille Acojedo na nakatikim siya ng masasakit na salita sa kanyang dating amo. (Basahin: Maricel Soriano’s ex-maid: ‘Dinirty finger niya po kami’) “Parang pinapakain niya sa’men yung mura niya. Tapos nung gabi nga po nang umalis kami, ang sinabi niya po sa’men, ‘ipokrita… ikaw alam ko ipokrita ka, intrimitida ka.’ Tapos dinidirty finger niya po kami," kuwento ni Acojedo. Hanggang ngayon ay hindi pa nagbibigay ng reaksyon sa naturang akusasyon si Maricel na binansagan ding ‘Diamond Star’ sa showbiz. Pero nauna nang itinanggi ng “kanang kamay" ni Maricel na si Inday Castillo, na sinaktan ng aktres ang mga kasambahay. -- FRJimenez, GMA News