Filtered By: Topstories
News

PNoy, walang bagong mamahaling kotse, ayon kay Valte


MANILA – Pinabulaanan ng isang opisyal sa Malacanang na may bagong mamahaling kotse si Pangulong Benigno “Noynoy" Aquino III, matapos nitong ibenta ang segunda-manong Porsche. “Not true na merong nagregalo sa kanya. Hindi rin po totoo iyung balita na bumili po siya ng bagong sasakyan. So let’s nip that it in the bud," pahayag ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte nitong Biyernes. Matapos ipaalam ni Aquino na ibinenta na niya ang kanyang kontrobersiyal na Porsche, kumalat ang mga balita na may bagong bullet proof BMW car ang pangulo. Ayon pa kay Valte, hindi si Aquino ang tipo na tatanggap ng mga ganoong regalo. Una rito, sinabi ni Aquino na kailangan na niyang ipagbili ang Porsche dahil nagdudulot na ito ng “unnecessary risk" sa mga nagbabantay sa kanya, ang Presidential Security Group. “Masyado niyo nang in-expose. Para bang it was an advertisement na ‘Oy, andito ako," ani Aquino. “It is time to let somebody else experience it." (Basahin: Kontrobersiyal na Porsche, dinispatsa ni PNoy) Sa survey ng ginawa ng Social Weather Stations noong Marso, lumitaw na 48 porsiyento ng mga tinanong ay nagpahayag na hindi magandang halimbawa bilang lider ng bansa ang ginawang pagbili n Aquino ng Porsche. – GMA News