Pinagmulan ng dengue 'outbreak' sa Batanes, inaalam pa ng DOH
Patuloy ang ginagawang pagmonitor ng Department of Health (DOH) sa biglang pagtaas ng kaso ng dengue sa lalawigan ng Batanes ngayong taon. Sa panayam ng isang himplan ng radyo nitong Miyerkules, sinabi ni Dr. Eric Tayag, pinuno ng National Epidemiology Center ng DOH, na umabot na sa 900 ang kaso ng dengue na kanilang naitala sa lalawigan. “Ang huling report 900 na ang dinapuan sa Batanes. Tinututukan ito ng ating kalihim na si DOH Secretary Enrique Ona," pahayag ni Tayag sa dwIZ radio.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Nagpadala na rin umano ng isang team ang DOH sa Batanes para magsiyasat tungkol sa pagdami ng dengue cases na kadalasang umaabot lamang umano sa dalawang kaso sa nakaraang mga taon. Isa sa mga pinaghihinalaan ni Tayag na dahilan ng pagtaas ng kaso ng dengue sa lalawigan ay mga turista. “So many tourists visit the site because of its beauty. It is possible some of them may have had a part in spreading dengue. We will send a team to the province to trace where the dengue-carrying mosquitoes bred)," aniya. Kamakailan ay idineklara ang state of calamity sa bayan ng Sabtang sa Batanes upang magamit ang pondo ng lokal na pamahalaan sa pagtugon sa naturang problema sa kalusugan. -- GMA News