Filtered By: Showbiz
Showbiz

Eugene Domingo naaksidente sa shooting ng Ang Babae Sa Septic Tank


Isa sa mga paboritong kalahok sa Cinemalaya Film Festival ngayong taon ang movie na pinagbibidahan ni Eugene Domingo na, Ang Babae Sa Septic Tank. Sa gala screening ng Ang Babae Sa Septic Tank, sinabi ni showbiz reporter Cata Tibayan, na dumagsa ang mga manonood. Kabilang dito sina Raymond Gutierrez at stylist na si Liz Uy, na first time daw manood sa festival. Magins si Direk Joey Reyes ay humanga sa mga entry na patunay umano na hindi pa patay ang movie industry. Naging usap-usapan din ang aksidenteng nangyari kay Eugene habang ginagawa ang movie kung saan nahulog ang Kapuso star sa loob ng totoong septic tank.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Kinumpirma naman ito ng direktor ng pelikula na si Direk Marlon Rivera. Ilang araw daw ang lumipas bago nakabalik sa shooting ang comedienne dahil sa nangyaring aksidente. “You cannot say na hindi ko na kaya, hindi. Unahin mo yung responsibilidad mo bilang artista," kuwento ni Eugene sa Chika Minute ng GMA News 24 Oras nitong Miyerkules. Samantala, may kakaibang karanasan din umano ang host ng May Tamang Balita na si Ramon Bautista habang nagso-shooting ng may pagka-horror movie na San Lazaro na entry rin sa film festival. Kuwento ni Ramon, may isang pagkakataon na may kumalabog sa second floor ng bahay na tinutuluyan nila sa Pampanga habang sila ay nasa ibaba. - FRJimenez, GMA News

LOADING CONTENT