Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ruffa Gutierrez hurt by ex-hubby Yilmaz Bektas' accusations


Masama ang loob ni Ruffa Gutierrez sa kanyang ex-husband na si Yilmaz Bektas dahil sa umano’y paratang na pinagkakakitaan niya ang dalawa nilang anak. Sa ulat ni Nelson Canlas sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes, iginiit ni Ruffa na abonado pa siya kung tutuusin sa gastusin ng dalawa niyang anak dahil P2,500 lang umano ang talent fee ng mga bata. Muling naungkat ang sigalot ng dating mag-asawa dahil sa pagnanais ni Yilmaz na makuha ang konstudiya ng dalawa niyang anak kay Ruffa.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sa isang e-mail ni Yilmaz sa GMA News kamakailan, pinuna niya kung bakit pinagtatrabaho ni Ruffa ang kanilang mga anak na may edad apat at lima. Ayon naman sa aktres, matagal siyang nanahamik tungkol sa dating asawa at sadyang nilimitahan ang kanilang komunikasyon para maiwasan ang intriga. Nang tanungin kung ano ang pinakamasakit na paratang sa kanya ng dating asawa, tugon ng aktres: “Pinakamasakit na sinabi niya yung padala siya nang padala ng pera na hindi ko ginagastos, hindi ko binibigay sa mga bata, nandyan o, basahin mo. Sabi ko asan ang resibo baka maling bank account ‘yon." Sa kabila nito, umaasa si Ruffa na maayos ang sigalot nila ni Yilmaz. Maaari rin naman daw bisitahin ng dating mister ang kanilang anak sa Pilipinas o magkita sila sa isang ligtas na lugar. - FRJimenez, GMA News

LOADING CONTENT