Filtered By: Showbiz
Showbiz

Judy Ann Santos shares weight-loss secret


Marami ang nakapansin na blooming si Judy Ann Santos nang humarap sa showbiz press. Isang dahilan nito ay ang malaking pagkabawas ng kanyang timbang mula nang isilang niya ang baby nila ni Ryan Agoncillo na si Lucho. Four months matapos na isilang si Lucho, sinabi ni Judy Ann na 27 pounds na ang nabawas sa kanyang timbang, ayon sa ulat ni showbiz reporter Cata Tibayan. At ang sikreto raw niya, healthy living at cohen diet.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “Right amount of food. May ibang nagsasabi na kakain ka lang ng fist size kasi yun lang ang size ng stomach mo. May iba naman kagaya sa akin sa cohen (diet) it really works for me," pahayag ni Judy Ann sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules. Mahalaga rin umano na manggaling sa sarili ang motibasyon na gusto mong pumayat para maibalik ang dating pangangatawan at makapagdamit ng maaayos. Idinagdag pa ni Judy Ann na nais din naman niyang maging maganda sa paningin ng mister na si Ryan. Malaking bagay daw ang ibinibigay na suporta sa kanya ni Ryan para magbawas ng timbang. Nagiging bonding time nga raw nila ang sabay na mag-exercise. – FRJ, GMA News