What’s the real score between Rich Asuncion and Ervic Vijandre?
May inamin ang mga Kapuso star na sina Rich Asuncion at Ervic Vijandre tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon. Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules, inamin ng ex-castaway ng Survivor Philippines na si Ervic at ng Starstruck alumnus na si Rich, na nagdi-date sila.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Ayon kay Ervic, madalas silang mag-usap at manood ng sine ni Rich pero kasama naman daw nila ang ilan pang kaibigan. “Siguro kasi dati barkada, ngayon medyo close friend ko siya ngayon," nakangiting pahayag ni Ervic. Sinabi naman ni Rich na masayang kasama si Ervic at napapatawa siya ng ex-boyfriend ni Marian Rivera. “Napapadalas nga na magkasama kami and nagiging close nga kami sa isa’t isa. Marami na kong nalalaman sa kanya," pagtatapat ni Rich. – FRJimenez, GMA News