Filtered By: Showbiz
Showbiz

Claudine admits: ‘Muntik nang masira ang pamilya ko’


Inamin ni Claudine Barretto sa isang ‘tell-all’ interview with Ricky Lo na kamuntik nang masira ang pamilya nila ni Raymart Santiago dahil sa isang intriga na sangkot ang dati niyang kaibigan na si Angelica Panganiban. Sa exclusive interview ni Ricky, host ng Startalk TX nitong Sabado, sinagot ni Claudine ang lahat ng intriga sa kanya pati na ang pag-uugnay sa aktres sa iba’t ibang lalaki. Paliwanag ng Kapuso actress, nagdesisyon siyang sagutin ang lahat ng intriga sa harap ng camera para matigil na ang tinawag niyang “apoy." Unang pinabulaanan ni Claudine na nalulong siya sa droga at pagsusugal sa casino. Wala ring umanong katotohanan na sumailalim siya sa rehabilitation program.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Gayunman, bukod sa spiritual guidance ay inamin ng aktres na kumukonsulta siya sa psychiatrist mula pa noong 2002. “Non stop yung pagbabato, non stop yung pagtira, masakit. People kasi sometimes forget that kahit artista kapag binabato ka meron ka rin... may pamilya ka na nasasaktan, may mga kaibigan kang nasasaktan, may mga fans kang nasasaktan;" emosyunal na pahayag ni Claudine. “I sought for help sa pastor ko for prayers, my friends were there, I've been seeing a psychiatrist since 2002… With everything na pinagdaanan ko last year na bumaliktad yung buong mundo ko," dagdag niya. Patuloy pa ni Claudine, “nagmahal ako ng sobra sa isang kaibigan and muntik nang nakasira sa pamilya ko… and ang daming stages na ng denial." Nasirang pagkakabigan Nang tanungin ni Ricky kung may posibilidad na magkabati na sila ni Angelica Panganiban, inamin ni Claudine na hanggang ngayon ay sariwa pa ang sugat tungkol sa nangyaring isyu sa kanila. Nag-ugat ito sa alegasyon ni Claudine sa panayam ng Philippine Entertainment Portal, na si Angelica umano ang pinagmulan ng balitang karelasyon ni Claudine si Martin Castro, kapwa kaibigan nina Raymart Santiago at Derek Ramsay. Sinabi ni Claudine na bukod sa muntik masira ng intriga ang kanilang pagsasama ni Raymart, marami rin umanong pagkakaibigan ang nawasak. Nakita umano niya kung gaano naapektuhan si Raymart ng intriga dahil malapit nitong kaibigan si Martin. (Basahin: PEP: Angelica Panganiban's camp issues demand letter to Claudine Barretto) Bagaman nagkausap na umano nila si Martin, hindi pa nila nakakausap ang asawa ni Martin. (Basahin: PEP: Claudine says Angelica out to ruin Derek's friendships) “Yung pamilya ko, yung marriage namin ni Raymart muntik masira dahil sa malisyosong tsismis... ‘Pag nag-cross ka sa line, na nag-try ka na i-destroy yung family ko, mahirap pa ‘yon," ayon sa aktres. Nilinaw din ni Claudine na walang katotohanan ang pag-uugnay sa kanya sa negosyanteng si Atong Ang. Nadawit lang umano ang pangalan ni Ang dahil ito ang nagsilbing tulay para magka-usap sila ni Martin, na inaanak ng negosyante. Hindi rin umano totoo na may relasyon sila ni Sen Jinggoy Estrada. Bagaman nagtungo siya sa isang party na ang host ay ang senador, nilinaw ni Claudine na sumunod din doon ang kanyang asawang si Raymart. Natawa naman si Claudine nang malaman na pati ang aktor na si Wendell Ramos na nakasama niya sa isang proyekto ay iniugnay din sa kanya.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Nagbalik ang pagtitinginan with Ate Gretchen Masaya namang ikinuwento ni Claudine na nagkabati na sila ng kanyang ate na si Gretchen Barretto na ilan taon din niyang hindi nakausap dahil din umano sa intriga. Paliwanag ni Claudine, bumisita siya sa condo ng kanyang mga magulang at hindi niya inaasahan na darating din doon ang nakatatandang kapatid. “She just went there and I open the door… and 'yon nagkayakapan na lang puro I love you, I miss you…puro... I can't belive I haven’t seen you for a long time," kwento niya. Aminado si Claudine na nadala sila ng mga sulsol na pag-awayin silang magkapatid nang panahon na may proyekto sana silang pagsasamahan. Ipinaabot ni Claudine ang labis na pagmamahal sa kanyang ate, at ang matinding pasasalamat sa mga fans na patuloy na sumuporta sa kanya. -- FRJimenez, GMA News