Filtered By: Topstories
News

‘Kabayan’ lumakas pero ‘di pa rin tatama sa ‘Pinas


MANILA – Lumakas ang bagyong “Kabayan" habang tinatahak ang direksiyong pahilaga, ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration nitong Sabado. Sa GMA news 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing hindi tatama sa kalupaan ng Pilipinas si “Kabayan" na may taglay na lakas ng hangin na 120 kph malapit sa gitna at pagbugso ng 150 kph. “Kabayan," which is forecast to move north at 11 kph, was estimated at 1,030 kms east of Casiguran, Aurora," ayon pa sa PAGASA.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Makararanas umano ang Metro Manila ng mga pag-ulan dulot ng habagat at ang baybayin sa Maynila bay ay magiging katamtaman hanggang sa maalon. Ang kanlurang bahagi ng Luzon at Kabisayaan ay makakaranas din umano ng mga pag-ulan dulot ng habagat. Samantala, ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat. Katamtaman umano hanggang sa malakas na hangin mula sa timog-kanluran ang iiral sa Luzon at Kabisayaan, at ganundin sa Timog-kanluran hanggang Kanluran sa Mindanao. “Ang mga baybaying dagat sa buong kapuluan ay magiging katamtaman hanggang sa maalon," paalala ng PAGASA. Inaasahang lalabas ng teritoryo ng Pilipinas si "Kabayan" sa Miyerkules." -- GMA News