Filtered By: Topstories
News

Zubiri: In the end, what is important is honor, dignity


Live nakapanayam ni Jessica Soho sina Sen. Juan Miguel Zubiri at Koko Pimentel ilang oras lang matapos nag-resign si Zubiri sa Senado dahil sa mga alegasyong nandaya siya sa eleksyon noong 2007. Basahin dito ang buong transcript ng interview kay Zubiri. Mag-click naman dito para basahin ang transcript ng interview kay Pimentel. JS: At ngayon makakapanayam po natin ang kabibitiw lang na si Senador Juan Miguel Zubiri. Magandang gabi po, Senador Zubiri. Zubiri: Magandang gabi po, Jessica, at sa lahat ng nanunood po ng programa natin. Magandang gabi po. JS: So at your level, resigned na ho kayo. Pero mukhang kailangan pang magpasa ng resolusyon ng Senado. So how should we call you, resigned senator? Or senator pa rin? Zubiri: Migz--okay lang ang Migz sa akin. As far as I’m concerned, irrevocable naman po ‘yung aking resignation. Nakakahiya naman na babalik pa ako dito sa Lunes pagkatapos ng aking talumpati. So ang importante diyan, naibigay ko po ‘yung mensahe ko--na hindi po tayo nandaya. Wala po tayong kinausap na mandaya para sa atin. At kung mayroon man na gumalaw noong halalan para sa Team Unity at ako po’y nag-benepisyo nitong pandarayang ito o kalokohang ito, ay ngayong araw pinakita ko sa taong bayan na handa po tayong bumitiw sa puwesto para maayos po ang ating pangalan, ang integridad ng aking pamilya. JS: Senator Zubiri, unprecedented po itong ginawa niyo. Sabi nga ho nila, first time in the history of the Senate na may nag-resign na senador under those circumstances na binanggit niyo. Pero mayroon ding mga nagtatanong, can a senator just do that, na mag-resign samantalang in-elect siya ng…? Ilang boto ho ba ang nakuha niyo nung 2007 elections? Zubiri: Almost 11 million votes. JS: Can you just do that, resign? Supposedly, you should resign from all those 11 million people na nag-boto sa inyo. Hindi ho ba ganoon ‘yung technicality na usapan dito? Zubiri: Well, kaya po tayo nagbigay ng mahabang talumpati kanina, in-eksplika po natin sa ating ... pinaliwanag po natin sa ating mga kababayan kung ano talagang umudyok sa akin na bumitiw sa pwesto. Ang isa doon ‘yung mga statements na ibinigay ni Mr. Bedol, ni Mr. Ampatuan, na walang naging eleksyon o grabe pong pandaraya ang ginawa doon sa Maguindanao kung saan malaki po ang nakuha kong boto. And they have to understand na ang panalo ko sa pagka-senador ay due to 18, 000 votes lamang. So kung nawala po ‘yung Maguindanao, obviously malaki pong mawawala sa akin. At although ongoing po ang aking counter protest at nakakabawi naman po tayo dito sa Metro Manila, nawawala na pong saysay itong numbers game eh. Puwede po tayong magsabi na nakakabawi tayo ng ganito kalaki pero ang lahat po ng tao na ‘yun ay medyo fixated at nakatutok po sa dayaan na nangyayari sa 2004, 2007, at parang hindi na po sila naniniwala sa iba’t ibang mga ebidensya na pinapakita namin. So eventually I’m losing my legitimacy as a senator. JS: But you’re talking of, sabi niyo nga ho eh, 18,000 votes lang. Samantalang 11 million ‘yung bumoto sa inyo. So ‘yung 11 million, puwede kayong usigin, “Binoto ka namin. Ang pinansin mo lang ‘yung 18,000 kaya ka nag-resign." Zubiri: Well, tama po ‘yun, Jessica. But you have to remember that the slot for the 12th position is a fight between me and Atty. Pimentel, at ‘yung agwat po namin ay napaka-liit lamang. Katulad ng nangyari nung 2007, ako po’y nagdadasal at naghihintay lamang sa desisyon ng COMELEC at Supreme Court at that time. Dalawang beses po kaming pumunta sa Supreme Court and we just asked and I, my family and myself, just asked, “Did I win or did I lose?" Kasi kung panalo po tayo, at least wala po tayong problema. Nawala po ‘yung intriga at controversies na nangyari. Pero kung natalo tayo, handa naman po tayong bumalik sa local government or sa public, iba’t ibang paraan ng pagserbisyo sa ating mga kababayan. Ang problema, they decided that I won but of course there was a protest. May protesta pong nangyari. Dito sa habang panahon, habang pinagdedebatehan po namin dito sa Senate, electoral tribunal ‘yung mga nangyaring mga accusations of electoral fraud. Hindi talaga namin mapatunayan na mayroon talagang large-scale syndicated fraud doon sa Maguindanao, except after the statements nga ni Mr. Bedol and Mr. Ampatuan, kasi sila po’y mga key personalities dito sa ARMM, lalong-lalo na sa Maguindanao. So paglabas po nila ng kanilang mga paratang na ganoon nga nangyari, kumuha pa sila sa ibang senador, ipalagay sa ‘kin. Nakakahiya na itong tatlong senador pa ay kasama ko dito sa Senado, ay kailangan magpakita po tayo ng delicadeza. And humihingi po akong paumanhin sa aking mga supporters. Kanina marami po ang nandito at malungkot po sila but that is politics. In the end, what is important is honor, dignity. Hindi po ang o wala po sa akin ‘yung posisyon, ‘yung kapangyarihan, ‘yung kayamanan. Importante po ‘yung malinis ang inyong pangalan, walang bahid ang ating pangalan. Para sa ganoon ay makapunta naman po ako sa simbahan, Jessica at sa mga malls at merkado na hindi po nakayuko ang ulo at nahihiya sa kung anu-anong mga sinasabi ng ating mga kababayan. Ayoko po ng ganyan. JS: I understand, Senator Zubiri pero you yourself said in your speech kanina sa Senado na highly suspect itong mga lumalabas na mga witnesses sa electoral fraud nung 2004 and 2007 elections and yet mukhang binigyan niyo sila ng kredibilidad somehow by resigning. Sinabi niyo highly suspect sila pero you resigned still? Zubiri: Well, the highly suspect are the other… Marami po kasing lumabas, eh. For the 2007 (election). Nagsasalita (ang) maraming mga witnesses. But ‘yung talagang nagbigay po ng bigat sa aking desisyon, ‘yung nag-udyok talaga sa desisyon ko ang pag-meeting po namin sa aking pamilya at nakita ko po nahihirapan na rin po ang aking pamilya dito sa mga paratang na inilalabas nila na tayo’y benipisyaryo ng electoral fraud. Sa tutuusin nga lang, Jessica, hindi na nga nakakatulog ‘yung misis ko.‘Yung nanay ko’y umiiyak gabi-gabi, and that’s the truth. My mother calls me almost every hour, basta nakakarinig po siya ng masamang balita sa akin. At pinag-usapan namin ng aming pamilya na mas importante po ang peace of mind, integrity and honor ng iyong pangalan, ng iyong posisiyon. At ayoko din po dito sa Senado, sa institusyon, nag-aaway-away din po sila at nagpalabas din po ng statements ang ating mga kasamahan na huwag na po silang magkaroon ng investigation dito sa Senado, dahil may isang senador daw that is a beneficiary of the 2007 election cheating. JS: So nasasaktan kayo pag nakakarinig kayo ng mga ganoon, Senador? Zubiri: Masakit, Jessica. Alam mo, sa halos 30 taon nag-serbisyo po kami sa Bukidnon, never po kaming nagkaroon ng electoral protest, never po kaming nagkaroon ng electoral controversy. Kaya ito’y bago para sa amin at talagang nasaktan po kami at mabigat din po sa aming pamilya. JS: But what do you know about the 12-0 operations ng Team Unity ‘di umano sa Maguindanao noong 2007 elections, and they said na nakinabang nga daw ho kayo doon, if we are to believe itong si Bedol? Zubiri: Well, sa lahat naman ng statements, nakita niyo na wala naman akong kinausap doon sa kanila. Never ko po silang kinausap, never po natin silang nilapitan. Kung mayroon pong ganoong klaseng instruction, hindi ko po alam yan, wala po tayong nalalaman. Remember, Jessica nung latter part of the elections of 2007, bumitiw po ako sa team Unity. Iniwan ko po sila dahil hindi po ako sumasang ayon sa kanilang election campaign strategy kung saang pinagtatawag po nila ang leaders ng iba’t ibang bayan sa isang capitol area or isang gymnasium at doon lang po kami pupulong sa kanila. Ang ginawa ko po ay town to town, bayan kada bayan, kada mga plaza, simbahan at public markets, lalo na sa Visayas at Mindanao, pinupuntahan talaga namin. So hindi ko po alam kung anong nangyari dito sa National Capital Region, sa national headquarters, sa mga instruction na ibinigay po pagdating po sa halalan sa 2007. I have no knowledge kaya mahirap mag-comment. JS: Senator Zubiri, may magsasabi, pasensya na ho kayo but I think these questions need to be asked, ano po. May nagsasabi rin na actually moot and academic na lang talaga na next month nga the senate electoral tribunal will already declare na panalo si Koko Pimentel by 257 thousand votes, if I am not mistaken. And may nagsasabi na nakakita lang daw po kayo ng magandang opurtunidad ngayon for a graceful exit. Ano po ang reaction niyo diyaan? Zubiri: Walang katotohanan ‘yan, Jessica because kung tutuusin kung ako’y isang trapo na pulitiko, under the rules. First of all, mayroon pa akong 8,000 precinct left to be revised that will take up to October. Matatapos pa ‘yan, October. Pagkatapos noon, I am given under the rules 200 working days to present my evidence, may presentation of evidence po ‘yan, aabot pa ng isang taon. So all-in-all ‘yung decision ng Senate Electoral Tribunal, puwede ko pong pahabain ‘yan hanggang January of 2013. So kung ako po’y salbaheng pulitiko, puwede pong gawin yan at i-extend po hanggang 2013. Pero ayaw ko pong gawin ‘yan dahil ayaw ko pong sabihin ng tao ako’y kapit-tuko. And kilala mo naman ako, Jessica, hindi naman ako masamang tao. Katulad ng binanggit ko kanina, hindi pa uso ‘yung wang-wang na statements ni Pnoy, ay ginagawa na po natin ‘yan. Wala po tayong wang-wang. Wala po tayong mga bodyguards. Ako’y umiikot sa mall kasama lang ang aking asawa. Siya lang po ang aking bodyguard. JS: Maganda nga ‘yung sinabi mo kanina na, in a country where nobody resigns from controversy, you would like to show the way. Medyo mabigat ‘yung binitawan mong salitang ‘yun, Senator Zubiri. Parang nakakita ng pag-asa ang marami na parang nagbago na nga ba talaga itong generation ng ating mga pulitiko and are we seeing a new kind of politics now especially from young politicians like yourself. Zubiri: Yes, Jessica. I’m hoping that this trend will continue hindi lamang sa Senado pero sa iba’t ibang position sa gobyerno. Tama po ‘yung sinabi mo, Jessica, ‘yung binanggit ko kanina. In a country na wala talagang nag-reresign, pag may controversy, talagang kapal mukha, kapit tuko, hanggang dalhin pa sa Supreme Court ang mga kaso nila. Sana mabigyan liwanag ang daan na sa loob po ng kanilang puso, kung makita po nila na may kamalian ay dapat kusang loob na silang bumitiw. JS: Last question, how does it feel after everything that you went through today? Anong pakiramdam? Zubiri: Unang-una pagod na pagod po tayo, emotionally and physically. Pero masaya na rin, I am liberated. Alam mo pinagdasalan po namin ito ng aming pamilya, ng aking asawa. I asked the Lord for courage, and of course, the strength to do this. And tapos na po. Makakabakasyon po kami ng aking asawa, for the first time in 13 years. Hindi pa ko nakakabakasyon ng matagal. At babalik din po ako, Jessica kasi hindi po ako nagsasawa sa paglilingkod sa ating mga kababayan. I will continue my advocacies on the environment, cooperatives--iikot pa rin po ako sa iba’t ibang lalawigan. So I’ll still be helping people in the private capacity as part of civil society. JS: Maraming salamat, Senador Juan Miguel Zubiri. Magandang gabi po sa inyo. Zubiri: Maraming salamat and God bless our country. END