Filtered by: Topstories
News
DOJ Sec De Lima nag-sorry kay Mike Arroyo
MANILA – Humingi ng paumanhin si Justice Secretary Leila de Lima kay dating First Gentleman Jose Miguel Arroyo nitong Biyernes dahil sa nauna niyang pahayag na hindi dumaan sa tamang proseso ng Immigration ang huli nang lumabas ng bansa patungong Hong Kong noong Linggo. Sa text message na ipinadala sa mga mamamahayag, sinabi ni De Lima na nakakuha siya ng impormasyon sa Bureau of Immigration na dumaan sa proseso at pumila sa Immigration counter ang dating Unang Ginoo. "Having verified from the BI about an hour ago that indeed, former FG Mike Arroyo went through the Immigration counter, I humbly apologize to him, on behalf of the BI for apparently giving me an erroneous info yesterday and/or for committing certain lapses," pahayag ng kalihim.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Una rito, sinabi ni De Lima sa mga mamamahayag na walang record si G Arroyo sa Immigration at posibleng may ibang tao na nagproseso ng kanyang dokumento sa pagbiyahe. Hindi nagustuhan ng abogado ni G Arroyo na si Atty Inocencio Ferrer Jr., ang pahayag ni De Lima, at iginiit na walang special treatment na tinanggap ang kanyang kliyente nang lumabas ng bansa. Sa katunayan, sinabi ni Ferrer na pumila pa sa Immigration counter ang mister ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Dahil dito, iginiit ni Ferrer na dapat humingi ng paumanhin si De Lima sa maling pahayag laban kay G Arroyo. Inamin naman ni De Lima na nagkaroon ng "lapse" sa maling impormasyon na ibinigay sa kanya tungkol sa pag-alis ni Arroyo, at kanya na niya itong pinapaimbestigahan. "The matter is now under investigation, particularly the Immigration officer who processed FG's documents," pahayag ng kalihim. Lumitaw sa listahan ng centralized query support system ng Immigration na naiproseso ang pagbiyahe ng isang Jose Miguel Aroyo, na kulang ng “R" para sa apilyedong “Arroyo." Nasa Hong Kong si Arroyo para sa kanyang medical check-up, at inaasahang babalik siya sa Pilipinas sa Lunes. -- GMA News

Tags: mikearroyo, delima
Find out your candidates' profile
Find the latest news
Find out individual candidate platforms
Choose your candidates and print out your selection.
Voter Demographics
More Videos
Most Popular