Filtered By: Topstories
News

Inopera kay ex-Pres Arroyo, naimpeksiyon


MANILA – Isasailalim sa ikatlong operasyon sa leeg si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo matapos matuklasan nitong Miyerkules na naimpeksiyon ang unang operasyon na isinagawa sa kanyang buto. Natuklasan ang impeksiyon na nakaapekto sa inilagay na titanium implants nang isalang ang dating pangulo sa ikalawang operasyon sa St. Luke's Medical Center sa Taguig City nitong Miyerkules. Ang titanium implants kay Arroyo, kongresista na ngayon ng Pampanga, ay isinagawa sa St. Lukes dalawang linggo na ang nakalilipas. Ayon kay Dr. Juliet Cervantes, attending physician ni Arroyo, nilagyan muna ngayon ng external support ang leeg ng dating pangulo. “Tinanggal ‘yung implant muna kasi nga may infection. Later on kapag na-treat na ‘yung infection, saka tayo maglalagay ulit ng implant to support internally para mawala yung external support," patungkol ni Cervantes sa ikatlong operasyon na gagawin kay Gng Arroyo.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Idinagdag ni Cervantes na lalong pinarupok ng impeksiyon ang buto sa leeg ng dating pangulo. Ayon sa duktor, ang impeksiyon ay posibleng nanggaling sa lalamunan ni Arroyo dahil ang bacteria nito ay karaniwang nakikita sa pharyngeal area. Gayunman, sinabi ni Cervantes na mahirap na matukoy kung saan talaga nagmula ang impeksiyon. “When the immune system of an individual is low or weak, whatever is the reason, physical strength, emotional status… it’s multi-factorial. The environment is really difficult to isolate at this time. When your immune system is low, there is a tendency for you to be susceptible even to the normal [conditions] of the body," paliwanag niya. Ang pharyngeal bacteria ay maaari rin umanong makita kahit sa malusog na tao. “It’s just a matter of whether [your immune system] will be able to fight it back," dagdag ni Cervantes. Bibigyan umano si Gng Arroyo ng malakas na uri ng antibiotics para gamutin ang impeksiyon upang hindi na lumubha at maisagawa ang panibagong operasyon sa kongresista ng Pampanga. Hindi naman matiyak kung hanggang kailan mananatili sa ospital si Arroyo. “Depending on her response [sa antibiotics] but there is a possibility that she will stay longer than before because we really have to be sure that we will be able to infuse the IV antibiotics," ayon kay Cervantes. -- FRJ, GMA News