April Boy Regino reveals he has prostate cancer
Isiniwalat ni April Boy Regino na mayroon siyang prostate cancer. Pero paniwala niya, nalampasan na niya ang matinding pagsubok sa kanyang buhay dahil sa isang âmahalagang" palatandaan. Sa exclusive interview ni entertainment reporter Lhar Santiago, sinabi ni April Boy na natuklasan niya ang sakit noong 2009 habang naninirahan sila sa America. âUna sinabi ng duktor na lalaki, sabi niya prostate cancer âyan. Tapos siyempre natakot na ko cancer eh, sabi ko paâno kaya âyon," pahayag niya sa Chika Minute ng GMA News 24 Oras nitong Martes. Ayon sa anak ni April Boy na si JC, nagimbal ang kanilang pamilya sa sakit ng kanyang ama. Sakabila ng kalungkutan ay lagi raw nilang ipinagdarasal na magkaroon ng himala para sa ikagagaling ng kanyang ama.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Ikinuwento naman ni April Boy na mistulang torture ang pagkakaroon niya ng cancer dahil lagi niyang naiisip kung gaano katagal na lang ang ilalagi niya sa mundo. âParang ano na âko nun, âdi na makakain. Iniisip ko parang torture saâyo, siguro sabi ko hanggang ilan taon na lang, mga hanggang 50 ano hanggang doon lang buhay ang ko, mamamatay na ako,â pahayag niya. Dahil batid niya ang pangarap ng kanyang anak na si JC na maging singer, umuwi sila sa Pilipinas last year para gumawa ng album kasama ang anak. Ginawa nila ang album nang walang nakakaalam ng kanyang karamdaman. âSabi ko bago ako mamatay palagay ko uwi muna tayo sa Pilipinas para matupad yung pangarap mong maging singer ka," patungkol niya kay JC. Kahit hindi pa nasusuri ng duktor, naniniwala si April Boy na nakontrol na ang kanyang cancer sa tulong na rin ng iniinom niyang herbal medicine. May isang palatandaan daw na naramdaman si April Boy kaya naisip niyang magaling na siya. âAlam mo kasi kapag may prostate cancer ka⦠wala na parang ano ka na, impotent ka na. Eh ngayon okey na naman," masaya niyang pahayag. -- FRJimenez, GMA News