Filtered By: Showbiz
Showbiz

Anne Curtis, agaw-pansin sa Philippine Fashion Ball


Nagpatalbugan sa kanilang kasuotan ang mga dumalo sa kauna-unahang Philippine Fashion Ball. Pero isa sa mga pinaka-agaw pansin ay si Anne Curtis dahil sa kanyang very revealing dress. Para itaguyod ang fashion industry sa bansa, ginawa sa Manila Peninsula Hotel nitong Lunes ng gabi ang kauna-unahang Philippine Fashion Ball. Sinabi ni entertainment reporter Cata Tibayan, na strictly black and white ang tema ng event na sinunod ng mga dumalong fashionista, beauty icons at ilang celebrities. Pinangunahan ng mga veteran fashion model ang pagrampa kagaya nina Tweetie De Leon-Gonzales, Apples Aberin, at Phoemela Baranda. Pero isa sa mga pinakaagaw-pansin ay ang kaseksihan ng aktres na si Anne Curtis sa kanyang Rajo Laurel's black cutout, see-through dress na ang tinatakpan na lamang ay ang mga maselang bahagi ng kanyang katawan.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Nakadagdag sa kagandahan ni Anne ang pagkakaayos ng kanyang buhok na slick ponytail, simpleng makeup at mapupulang labi. Dahil sa kasuotan ni Anne, sinabi sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes, na naging usap-usapan sa event kung may suot bang underwear ang sexy actress. Nasa fashion event din ang celebrity stylist na si Liz Uy, Hayden Kho Jr at Dra Vicki Bello, Bubbles Paraiso, Raymund Gutierrez at Georgina Wilson. Hindi rin nagpahuli ang socialite host na si Tessa Prieto-Valdes, na mala-Lady Gaga ang white bubble gown na kasuotan. Samantala, no comment na si Georgina nang kunan ng reaksiyon sa kanyang tweet kunsaan pinuna niya si Pangulong Noynoy Aquino dahil sa ulat na makikipagkita ito sa bumibisitang Hollywood actress at socialite na si Paris Hilton. Nilinaw na kasi ng Malacanang na walang schedule si Aquino na makikipagkita ito kay Paris. - FRJimenez, GMA News