Filtered By: Showbiz
Showbiz

Paris Hilton exchanges gifts with avid Pinay fan


Naging emosyunal ang Pinay avid fan ni Paris Hilton na si Isha Dinio nang makaharap at mayakap ang kanyang idolong socialite at hotel heiress nitong Miyerkules. Nasaksihan ni showbiz reporter Nelson Canlas ang pagtatagpo ng idolo at tagahanga sa press conference na ginawa sa The Peninsula Manila Hotel sa Makati. Dream come true para kay Isha ang pagkikita nila ni Paris dahil sa dami ng fans ng international celebrity sa Pilipinas ay siya ang pinili nito na makasama sa naturang pagtitipon. Sa labis na kasiyahan, hindi napigilan ni Isha ang mapaluha. “Nung sinabi niya po yung, ‘would love to see you since the fist day’ na nandito daw po siya parang dun po ‘ko lalong humagulgol," kuwento ni Isha sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “Sabi ko sa kanya, ‘Paris I really don’t wanna cry’ sabi ko sa kanya. Niyakap ko na lang siya parang ewan ko kung nahigpitan pero mahigpit po yung sakap niya sa akin," dagdag ni Isha. Sa kanilang pagkikita, nagpalitan ng regalo ang idolo at fan. Iniregalo ni Isha kay Paris ang isang Philippine made picture frame at isang baro’t saya. Samantala, isang bag na kabilang sa designer bag collection ang ibinigay ni Paris kay Isha. Sabi ni Isha, mayroon pa umanong isang regalo na ibibigay sa kanya si Paris. Nagpahayag naman ng kasiyahan si Paris sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Pinoy at nangako siya na hindi ito ang una’t huling pagbisita niya sa Pilipinas. -- FRJimenez, GMA News

Tags: parishilton