Filtered By: Showbiz
Showbiz

Wardrobe malfunction ni Taylor Swift, patok sa Internet


Screen grab from Youtube
Umabot na sa mahigit apat na milyong views ang isa sa mga video na ini-upload sa Youtube kung saan ipinakita na pagkakalilis ng kasuotan ng Grammy award-winning singer-songwriter na si Taylor Swift habang nagtatanghal sa St. Louis, Missouri, USA. Sa naturang Youtube video, makikita si Taylor na bigay-na-bigay sa pagkanta sa itaas ng stage habang pinapanood ng maraming tao noong Aug 13. Ngunit tila hindi niya namalayan na napalapit na siya sa isang wind machine na naging dahilan para liparin ng hangin ang pang-ibabang bahagi ng kanyang kasuotan. Bagaman mabilis niyang naiharang ang kamay sa damit para hindi tuluyang liparin, nakita pa rin sa video ang kanyang suot na underwear. Sa kabila ng insidente, ipinagpatuloy ng sikat na singer-songwriter ang kanyang performance na tila walang nangyari. - FRJimenez, GMA News