Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Ang mapait kong karanasan sa bawal na pag-ibig (1)


“Patawad, alam kong nasaktan kita, labis akong nagsisisi sa aking ginawa. Labis din ang sakit na aking nadarama sa ngayon dahil sa sinapit ng ating relasyon. Mahal pa rin kita, sana mapatawad mo ako." Ito ang text message na na-receive ko isang araw na nagpaalala sa akin ng isang karanasan, isang karanasang nagbigay sa akin ng sakit at pait dito sa Gitnang Silangan.


“Hi kuya," message ng isang long time friend sa Facebook. Kasalukuyan akong nagpapalipas ng oras at nakikipag-chat sa mga kakilala at kaibigan sa Facebook sa tinutuluyan kong hotel sa Abu Dhabi. “Kumusta na?" Ang sunod niyang mensahe.
-- E.Friend
Madalas akong ma-assign sa iba’t ibang bansa lalo na sa gitnang silangan. Sa ika-apat na pagkakataon, na-assign ulit ako sa UAE. Hindi ko akalaing na sa pagkakataong ito ay magaganap ang isang bagay na hindi ko inaasahang mangyayari sa aking buhay. “Hi kuya," message ng isang long time friend sa Facebook. Kasalukuyan akong nagpapalipas ng oras at nakikipag-chat sa mga kakilala at kaibigan ko na naka-online sa Facebook sa tinutuluyan kong hotel sa Abu Dhabi. “Kumusta na?" Ang sunod niyang mensahe. “Hi, ok lng, ‘kaw musta na?," ang reply ko naman sa kanya. Halos ‘di ko na matandaan ang kanyang pangalan marahil sa tagal na walang communication. Tiningnan ko ang mga picture niya sa Facebook at doon ako nagkaroon ng idea kung sino siya. Nasa list of friend ko na pala siya pero dahil wala pang chat sa Facebook noon wala pang way ng communication. Iyon na ang simula ng aming masayang chat sa Facebook at napag-alaman ko na nasa iisang bansa lang pala kami. Hiningi ko ang kanyang phone number at simula noon ay palagi ko na siyang tinatawagan kahit nasa opisina ako at nakikipag-chat sa kanya tuwing gabi. Hanggang isang araw ay niyaya ko siyang magkita kami, at ‘di naman ako nabigo. Nagkita kami sa isang mall sa Abu Dhabi. Kumain kami sa mall at pagkatapos ay nagpunta kami sa Corniche, tabing-dagat yun na tambayan ng mga nagpapalipas oras at nagdya-jogging habang papalubog ang araw. Nang mapagod ay napagpasyahan naming umuwi na sa kanya-kanya naming tinutuluyan. Naging masaya ako nung time na ‘yon kasi nagkaroon ako ng instant na kaibigan na makakasama sa pamamasyal kapag day-off upang malibang. Sa totoo lang, kung minsan kasi mahirap makipagkaibigan sa mga taong halos ‘di mo pa nakikilala ng lubusan. Kaya iyon ang isang bagay na aking ikinatuwa, ‘di na ako mag-iisa ang nasabi ko sa sarili ko.

Dumating ang araw na hinihintay ko, ang pagdalaw niya sa akin. Maaga akong gumising, namili ng mailuluto at medyo inayos ang aking kwarto at sala. Habang nagpapahinga, tumunog ang aking cellphone at agad kong sinagot. “Kuya on the way na ako papunta sa lugar mo, saan ako bababa?," ang sabi niya sa kabilang linya.

Nang lumipat ako sa apartment mula sa hotel ay inimbitahan ko siyang mamasyal sa aking tinutuluyan kapag off niya. Nag-iisa lang kasi ako sa tinutuluyan kong 2-bedroom apartment na malapit sa aming opisina pero may kalayuan na sa city proper. Dahil sa dalas ng tawagan at chat naming, mas lalong napalagay ang loob namin sa isa’t-isa kaya naman pinagbigyan niya ang aking imbitasyon. Dumating ang araw na hinihintay ko, ang pagdalaw niya sa akin. Maaga akong gumising, namili ng mailuluto at medyo inayos ang aking kwarto at sala. Habang nagpapahinga, tumunog ang aking cellphone at agad kong sinagot. “Kuya on the way na ako papunta sa lugar mo, saan ako bababa?," ang sabi niya sa kabilang linya. “Sabihin mo sa driver ibaba ka niya sa mall at dun na lang kita susunduin," sagot ko naman. Agad akong naligo at nagbihis at pagkatapos ay lumabas ng bahay para sunduin siya. Hindi ko pa masyadong kabisado ang pasikot-sikot nun sa lugar ng apartment na aking tinutuluyan. Agad akong pumara ng taxi at nagpunta sa mall na aking sinabi. Malayo pa ako ay tanaw ko na siya sa harapan ng mall habang nag-aabang sa akin. “Kuya ang tagal mo. Ang dami pa namang tambay na lalaki at tingin ng tingin sa akin. Kinabahan tuloy ako," ang bungad niyang sabi sa akin. “Halika pasok tayo saglit sa loob para mapreskuhan ka ng konti kasi mainit dito sa labas. Bakit dito sa labas ka nag-abang," sabi ko naman sa kanya. Pumasok kami sa loob saglit at maya-maya ay lumabas na rin kami para tumuloy sa aking apartment. Pagdating namin sa apartment, masaya kaming nagkwentuhan at nagluto ng makakain. Pagkatapos kumain, nanood kami ng TV sa sala at tuloy pa rin ang kwentuhan. Sa aming pag-uusap ‘di namin namalayan na magkatabi na pala kami sa upuan. Sa oras na iyon ay parang nilukuban ako ng matinding pagnanasa. Dahil na rin siguro sa palagay na ang loob niya sa akin o ‘di kaya’y sa dahilang may gusto rin siguro siya sa akin, nagpaubaya na siya sa aking kagustuhan. Hanggang lumipat kami sa aking kuwarto at naganap ang isang bagay na para sa mag-asawa lamang. Napaka-bilis nang mga pangyayari, ‘di ko binalak na gumawa ng kalokohan sa ibang bansa dahil may pamilya ako sa Pinas. Pero nangyari na… at ang masama pa ay pareho kaming may pamilyang naghihintay sa Pilipinas. (Itutuloy) – GMA News E.Friend Ano ang kwento mo? Mga Kapuso, tuloy ang ating kwentuhan. Sana’y hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin, mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng inyong saloobin, walang mapagsabihan ng sikreto, o kaya naman nais magbigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa inyo mga kababayan namin saan mang dako sa mundo, kami po'y saludo sa inyo. Kaya ilabas na ang iyong saloobin, ikuwento mo Kapuso!